Broken 9: Shattered

1.1K 24 4
                                    

Broken 9: Shattered

---------------------------------------------------------------------------X

Clifford's POV

Sobrang nag-aalala kami habang tumatakbo sa buong school kakahanap kay Geoffrey. Saan na kaya siya napadpad? Buhay pa kaya siya?

"Ano yung tunog na yun?" tanong ni Lacey

Hindi ako maaaring magkamali, tunog yun ng nabasag na glass window sa 2nd floor.

Tumakbo kaming lahat papuntang 2nd floor at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na yun.

Chineck namin halos lahat na ng rooms doon pero...

"Don't tell me... na nandun yun sa last room?" tanong ni Caileigh

"I don't know. It's better to check." sagot ko

"Tsch... nakakatakot naman sa room na iyan eh." sabi ni Lacey

Nagtungo kami dun sa last room na iyon....

"Shit! Pare, ang baho!" sabi sakin ni Jake

"Umutot ka ba?" tanong sakin ni Alex

"Alexandria, mabango ang utot ko..." pagbibiro ko sakanya. Amoy kasing sunog tsaka naaagnas na bangkay eh, ano kayang milagro ang naganap dito?

"Wala bang may flashlight sainyo?" tanong ni Jake 

"Alam ko na. Si Manong Guard, laging may dalang flashlight yun!" sabi ni Caileigh

Bumaba nanaman kami at pumunta malapit sa gate kung saan namin natagpuan ang bangkay ng guard.

"Ayos! Galing mo talaga Caileigh, meron nga!" sabi ni Alexandria

"Tara na, balik na tayo dun." sabi ko

"Sana hindi napahamak si Geoffrey..." sabi ni Lacey

"Sana nga." sagot ko rin at tumakbo na kami ulit papuntang 2nd floor.

Nagtungo ulit kami sa last room at binuksan ang flashlight...

H-hindi..

Nanlaki ang mata namin sa nasaksihan. Mga samu't-saring bangkay na nakapila...

"Look, bangkay ni Jarred yun ah?!" sabi ni Lacey at tinuro ang bangkay na nakasabit sa ceiling

"HAYOP SIYA!!! HAYOP!!!" sigaw ko

Bigla namang napayakap sakin si Alexandria at naramdaman kong nabasa ang damit ko.

"Stop crying Alex... we'll get through this... you'll be safe, I promise" sabi ko as I tried to comfort her

"Basag ang bintana." sabi ni Jake at pumunta dun sa window

Mas lalong nanlaki ang mata namin...

"GEOFFREY?!!!!" sigaw naming lahat

May bangkay rin ng tao na nahulog sa palapag, sunog na sunog ang balat... pero hindi ang mukha.... kaya alam naming si Geoffrey iyon!

"Ba't siya pinahirapan ng ganiyan?..." sabi ni Alexandria habang nakayakap parin sakin.

Napayuko nalang kami.. nakakuyom din ang kamao ko.... hayop ang salarin na yan, papatayin ko siya...

"Guys... there's bad news." sabi ni Lacey at itinuro ang isa pang bintana

Number 5, nakasulat sa bintana gamit ang red na paint.

"Sinong number 5?"

---------------------------------------------------X

Jhustine's POV

Tsch... was I wrong? Dapat ba hindi ko nalang sila iniwan? I feel so vulnerable; na parang sa bawat galaw ko may nakatitig sakin at pinagmamasdan ang bawat kilos ko. O, baka napapraning lang ako? I think it's better this way, hindi ko na makayanang mag-stay kasama ang isang mamamatay-tao.

Naglalakad lang ako sa hallway... wala akong mahanap na lugar na pwedeng tulugan man lang. Ang laki ng school na to eh, pero halos sa lahat ng lugar madaming bangkay. Saan ba ko pwedeng magstay na hindi mahahanap ng killer?

Bigla akong may nabangga...

"Meaghan?!" 

Kagad akong lumayo at kinuha ang patalim na nakita ko kani-kanina lang.

"T-teka... Jhustine, hindi ako ang killer!" sigaw niya

"Dapat ba kitang pagkatiwalaan?" tanong ko habang nakatutok parin sakanya ang patalim ko

"Oo naman... pareho tayo ng dahilan kung bakit ako humiwalay sakanila. Hindi ko rin alam kung pagkakatiwalaan kita... malay ko ba kung ikaw yung salarin?" sabi ni Meaghan

Binaba ko naman agad ang patalim ko at nilagay sa bulsa ko.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko at naupo nalang at sumandal sa pader

Ginawa din niya ang ginawa ko.

"Ayoko na dun. Feeling ko hindi ako ligtas kasi maaaring isa sa kanila ang killer." sagot sakin ni Meaghan

"Anim nalang tayo Meag..." sabi ko sakanya

"Hah? Bakit?" tanong niya

"Si Geoffrey... wala na."

Napayuko nalang din si Meaghan sa narinig niya.

"Kawawa naman si Geoffrey..." saad niya

"Hindi ko lang alam kung sino na ang susunod." sagot ko

Nag-stay lang kami na ganun.

"Meaghan... are you with me?" tanong ko

Napatingin siya sakin

"Can I trust you?" tanong ko ulit

"O-oo naman..." sagot niya

"Tonight... we play the killer's game. Ngayong gabi... blood will be shed." I stated

"What are you trying to tell me?" tanong niya

"Simple lang naman. This is a game diba? Ang killer ang taya, tayong lahat nagtatago. Pero babaguhin natin ang patakaran, tayong dalawa... ay magiging taya na rin."

"So that means... na papatay narin tayo?" tanong ko

"Exactly." sagot ko

"P-pero... kaibigan natin sila..." sabi niya

"Uunahin mo pa ba ang kaibigan-kaibigan na iyan bago ka mamatay? Kailangan nating umayon sa plano. Kaya mo ba Meaghan?" tanong ko

"Naging kaibigan natin sila sa loob ng mahabang panahon... pero, hindi ako papayag na mamamatay lang tayo ng ganito. Sige, handa akong humawak ng dugo."

Napangiti nalang ako.

We'll play this game without rules... not anymore.

-------------------------------------------------------------x

End of Broken 9

A/N: Lupet namaaaaan~ magone-1k reads na. Salamat po readers! *bow* Mas lalo akong ginagahang magsulat at ituloy ang novel na ito dahil sainyo. :)

Broken Shards *COMPLETE!* :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon