Broken 19: Verge

928 17 1
                                    

Broken 19: Verge

------------------------------X

Caileigh's POV

Jake... 

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko...

Ang kuya ko... bakit? Bakit siya pa?!

Hindi ako tumigil sa pagtakbo at sa halip ay mas lalo ko pang binilisan. Tiniis ko nalang ang sakit at pagod. Hindi dapat masayang ang buhay ng kambal ko... kailangan kong mabuhay, kailangan kong bantayan sina papa at mama kagaya ng habilin niya saakin.

Ngunit hindi parin tumitigil ang pagpatak ng mga luha... si Jake kasi... bakit niya yun ginawa?!

"Caileigh... wala na si Kuya awww kawawa..." 

Isang baliw na boses ang umalingawngaw mula sa aking likod

...at dahil dun ay mas lalo akong kumaripas ng takbo

"Kawawa naman si Jake, sinakripisyo niya sarili niya para sa wala. Eh, papatayin rin naman kita eh. HAHAHAHAHA"

"Please... maawa ka!!" sigaw ko habang tumatakbo at umiiyak

"Awa? HAHAHAHAHA ayoko. Hindi kayo naawa saakin noon, bakit pa ko maaawa ngayon? Sabi ko naman sayo, mabilis lang ang karma Caileigh. Tikman mo ang pait."

Sinubukan kong mas lalong bilisan ang aking takbo ngunit naabutan niya parin ako at inisprayan ng kemikal na nakapagpatulog saakin...

------X

Clifford's POV

An: Flashback po 'to guys. Baka malito kayo.

"A-anong gagawin mo sakin?!!" 

Nagising nalamang ako sa isang madilim na kwarto. Nakatali rin ako sa isang upuan.

"Hi Clifford... it's nice to see you again." bati ng salarin

"BALIW KA!!! Pakawalan mo ko dito!!" sigaw ko

"Hahaha. Not a chance." tinuran niya at tumayo sa harapan ko

Tinapakan niya ng malakas ang paa ko.

"HAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!" sigaw ko

"Alam mo, dapat hindi ka naman talaga kasama sa mga papatayin ko eh. Originally, 9 lang sila... eh sumabit ka eh." 

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!" sigaw ko

Dahan dahan kong kinuha ang tinago kong pocket knife mula sa bulsa ko sa likuran.

Pinuputol ko ang lubid habang nakatingin sa salarin.

"Hahaha Clifford. Mapagbiro ka talaga. Hahahahaha" tawa lang siya ng tawa

Nagpatuloy lamang iyon hanggang sa naputol ko na nang tuluyan ang lubid.

Bigla ko siyang sinapak at lumabas ng pintuan habang nakahilata siya sa sahig.

"BUMALIK KA RITOOOOO!!!"

Tumakbo nalamang ako sa mga hallways, pero nanghihina parin ako dulot sa inispray sakin kanina. Shit, parang may hala ata iyong lason.

Pumasok ako sa Janitor's room at nagtago.

"BULAGA!" sabi niya at binuksan ang Janitor's room

Tumakbo naman agad ako ng mabilis

"HINDI KA MAKAKATAKAS SAAKIN!!!" 

At ang huling narinig ko nalamang ay ang putok ng baril... napahiga ako sa sahig...

Lumapit saakin ang salarin... at pinagtutok ang aming dalawang mukha... naramdaman kong may tumulo na luha sa aking pisngi... teka, bakit siya lumuluha?

-------X

End of Broken 19: Verge

Broken Shards *COMPLETE!* :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon