Broken 3: Dice of Life

1.6K 30 5
                                    

Broken 3: Dice of Life

------------------------------------------------X

Clifford's POV

Matapos ang kagimbal-gimbal na pangyayaring naabutan namin sa Principal's Office, napagdesisyunan na ng eskwelahan na maaga kaming pauwiin.

5pm na rin naman. Isang oras bago yung totoong dismissal time namin.

"Alex..." sabi ko sakanya at binuhat na yung bag niya

"Teka Cliff, ako nalang." sabi niya sakin at ngumiti.

Ang ganda talaga niya... tsch.

"Hindi. Ako na." sabi ko at ngumiti rin

Hinayaan nalang niya ko at lumabas na kami ng school.

"Tara Alex, libre kitang burger." aya ko sakanya

Bigla nalang sumeryoso ang mukha niya

"Ayoko Clifford. Uuwi na ko." sabi niya at pilit na kinuha yung bag niya

"Teka lang naman Alexandria, isang beses lang naman eh!" sabi ko at nag-puppy dog eyes

"Tsch. Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi niya at naunang maglakad sakin

"Saan ba?" tanong niya

"Tara Mcdo." sabi ko at nag-smile nung pumayag na siya

Sumakay kami ng taxi at bumaba ng Mcdo.

Pumila nalang ako sa counter habang nakaupo siya.

Nag-order ako ng dalawang coke float and burger, pinatake-out ko nalang.

"Tara na Alex?" tanong ko sakanya at tumayo na rin siya

Naglakad-lakad naman kami hanggang sa napadpad kami sa isang park.

Umupo kaming dalawa sa swing habang kinakain yung burger at coke float.

Medyo gabi na rin eh. Kitang kita mo na yung mga bituin at buwan sa langit.

"Alex... may tanong ako." sabi ko sakanya at agad naman siyang napatingin sakin

"Ano yun?" tanong niya na may ketchup pa sa pisngi niya

I chuckled.

"Oh baket?" tanong niya ulit

Kumuha ako ng tissue tapos pinunasan yung pisngi niya

"Ano ka ba naman Alex, pati cheeks mo pinapakain mo. Hahahaha" sabi ko sakanya at tumawa

Medyo natawa na rin naman siya. :) Ang ganda niya talaga pag tumatawa, sumisingkit yung mga mata niya.

"Ano nga pala yung itatanong mo sakin Cliff?" tanong niya sabay higop nung coke float

"Alexandria... ano kasi eh... pwede bang..." hindi ko natuloy tapos ginulo ko yung buhok ko. Shet naman, di ko alam na ganito palang nakakahiya kapag nagtatapat sa isang babae. Ito yung kauna-unahang beses na ako ang magtatapat... tsch, bahala na.

"Alex... kasi... gusto kong..." nauutal kong sambit

"Ano wareng gusto mo? Gusto mo pang coke float?" tanong niya at inaalok sakin yung coke float niya

"Hindi yun! Eh kasi... gusto kong... maging... tsch, MAY GUSTO AKO SAYO OKAY?" ayan. Nasabi ko na.

Nararamdaman kong namumula ako kasi ang init ng pisngi ko. Napaduko nalang ako.

"A-anong sabi mo?" nautal rin siya

Napatingin ako sakanya, namumula rin siya?! Napangiti naman ako

Broken Shards *COMPLETE!* :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon