Chapter 3

26 2 23
                                    

UNEDITED

Chapter 3

NANLALABO ang aking paningin parang umiikot ang aking paningin sa madilim na kagubatan. Nandito ako sa lupa, nakahiga sa mga tuyong dahon. Buong katawan ko ay nananakit dahil sa pagkakahulog sa bangin. Ang swerte ko nga dahil may malay pa ako kahit nahulog ako.

Hindi ko maikilos ang aking katawan. Nahihirapan ako dahil sobrang sakit parang sinasaksak ako sa tuwing pipilitin kong gumalaw.

Mamamatay na ba ako?

Hanggang dito na lang ba ako?

Napapikit ako ng aking mata at may luhang tumulo. Sabay noon ay may mga pumapatak na tubig sa akin. Umuulan na pala.

Bakit nga ba ako nandito sa sitwasyon na ito? Oo nga pala, dahil kay Maver, dahil gusto kong mahanap si Colette para hindi magalit sa akin si Maver.

Napangiti ako. Hindi ko pinagsisihan na nandito ako sa sitwasyon na ito kung si Maver din naman ang dahilan ko. Hindi ko rin pagsisisihan kung mamatay ako para kay Maver, kasi gusto ko siya.

May iba na akong nararamdaman sa kanya noong nakita ko pa lang siya. Kahit pa lagi niya akong inaaway, inaapi, pinandidirihan o sinasaktan. Gusto ko pa din siya.

Napadilat ako ng may marinig akong boses. May tumatawag sa akin.

"T-tulong." nahihirapan kong sambit.

Nakita ko ang isang nakakasilaw na liwanag. Hindi ko masyadong makita kung sino yung tao, pero tinatawag niya ako.

"M-maver. " sambit ko.

Naramdaman ko ang isang malambot na haplos ng mga kamay. Medyo lumilinaw ang aking paningin at doon ko nakita ang mukha niya. Nakita ko si Maver.

Nakikita ko na lumuluha ito. "Please, 'wag mo kong i-iwan." Sambit nito.

Hinawakan ko ang malambot at makinis nitong pisngi.

Napangiti ako. "Maver.. D-dumating ka." mahina kong sabi bago tuluyang mawalan ng malay.

-------

NAPAMULAT ng paningin si Tancho agad na bumungad sa kanyang harapan ang puting dingding. Napatingin siya sa paligid. Hindi niya ito kwarto, nasa hospital siya.

Mag-isa lang siya rito. May nakasuksok sa kanyang ilong na bagay na mahaba at nakakonektado ito sa parang liligyanan na pumapatak. Sa kanyang isang kamay ay may nakaipit sa daliri niya. Tumingin siya sa kanan bahagi niya nandoon yung parang malalaman yung pagtibok ng puso.

Bumukas ang pintuan at linuwa noon si Maver, ang kanyang kaibigan na si Selen at ang isang doctor.

Nakahalukipkip si Maver na lumapit sa kanya. "Gising ka na pala."

"M-maver." tawag niya rito.

"Sana hindi ka na lang nagising." walang emosyon itong nakatingin sa kanya.

Biglang naguluhan ang isip ni Tancho. "L-linigtas mo ko." sabi niya rito.

"Ano bang pinagsasabi mo, ha? Doc, ipa-test niyo nga din yung utak niya, mukhang may diperensya." mataray na naman ito. Tumango lang ang doctor.

"H-hindi. H-hindi ako pwedeng m-magkamali. N-nakita kita, linigtas m-mo ko." nauutal niyang sabi rito.

Sarkastikong humalakhak si Demilla. "Bobo ka talaga, no? Ba't naman kita ililigtas? Sino ka ba? Kaano-ano ba kita? Wala akong pakealam sayo. Kahit mamatay ka man o na wawala ka noong isang gabi. Sana nga hindi ka nila natagpuan, e." masasakit nitong salita sa kanya.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon