UNEDITED
Prologue
"ANO BA?!" Bulyaw niya rito. Pero hindi ito kumibo at patuloy lang ito sa paghila sa kanyang palapulsuan.
"Bitiwan mo ko! Saan mo ko dadalhin?!" Pagpapatuloy niya.
Pero tulad ng kanina ay wala itong imik at dire-diretso lang sa paglalakad habang hinahatak siya. Hindi siya makapiglas sa pagkakahawak nito dahil mas malakas ito sa kanya.
"Boss, handa na po." Isang lalaki na sa tingin niya ay Bodyguard ang lumapit rito.
"Tulungan mo ko rito! Hindi mo ba ako kilala?! Ako si Demilla! Demilla Maverius De Zalviejo!" Sigaw niya rito pero tinignan lang siya ng lalaki. "Babayaran kita kahit magkano! Tulungan mo lang ako." Tuloy niyang pagsisigaw.
Yumuko ang lalaki at hindi siya nito pinansin. "Tatandaan mo yan! Dahil ipapakulong kita! Isusumbong kita kay Daddy!"
"Putragis!" Nabigla siya ng buhatin siya nito. Nakatalikod siya rito. Para siyang sakong bigas na binubuhat dahil sa balikad siya nito ilinagay. Napaawang ang kanyang bibig sa gulat ng paluin nito ang pwet niya!
"Bastos ka!" Bulyaw niya rito.
"Just shut up and don't be a brat, baby." Anito. Umirap siya.
Pinaghahampas niya ang likod nito. "Ibaba mo ko! Ayoko sa'yo!"
Nangmakapasok sila sa isang Helicopter ay agad siya nitong binitawan pero inupo siya nito sa isang upuan at isineat belt. "Let's go." Anito sa piloto ng helicopter.
Ilan sandali pa ay unti-unti ng umaangat ang helicopter. Napalunok siya at nanginginig na pumikit. Naramdaman niya ang isang kamay ng binata na hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Imbis na bawiin niya ang kanyang kamay ay hinawakan niya ito ng mahigpit pabalik.
Hindi niya na kayang makapaginarte pa! Lalo na't takot at kaba ang nararamdaman niya. Hindi niya talaga kaya pag nasa helicopter or Airplane siya dahil naiimagine niya na baka magcra-crash ito.
Hindi niya na nga namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Naramdaman niya lang ang isa nitong kamay ng na hinahaplos ang kanyang pisngi at ipinatong nito kanyang ulo sa balikat nito. Pinunasan nito ang kanyang luha.
"Shh... don't cry, baby. I'm here." Mahinahon nitong sabi na tila ba'y sobra ang pag-aalala nito sa kanya.
"Please, p-pakawalan mo na a-ako." Pagmamakaawa niya rito. Umiling-iling ito sa kanya.
"No, baby. Hindi na ulit kita hahayaan na mawala pa sa akin." Sagot nito sa kanya.
"S-Saan ba t-tayo pupunta?" Nauutal niyang tanong.
"Sa ating kaharian. Kung saan ikaw ang aking reyna at ako ang iyong hari. Doon tayo gagawa ng ating mga supling." Dama sa tinig nito ang pagkasigurado nito.
Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. "A-ayoko." Mahina niyang sabi habang ang kanyang mga luha ay naguunahan sa pagtulo.
Mapang-akit itong tumawa ng marahan at tumingin sa kanyang mata ng diretso. "I didn't asked for your permission, baby." Anito sa mabagsik nitong boses.
"So sit back and relax, because later you will enjoy what I am planning to do with you and I will make sure that you will beg for more." sabi nito at ngumisi ng nakakaloko.
Himinga siya ng malalim at tinampal ang mukha nito. "Gagu, magsarili ka!" Pagkatapos noon ay tinalikuran niya na lang ito.
Pinunasan niya ang kanyang mukha na panay may mga luha na galing sa kanyang mata.
Buset, hindi effective. Sayang lang ang punyeta kong mga luha!
© 2018 MissyVII
–––––––
Note: SPG
BINABASA MO ANG
Reckless
Romance"Gusto ko ako lang. Ako lang ang may karapatan na saktan ka." - Demilla Maverius De Zalviejo © 2018 MissyVII