Chapter 1

76 4 28
                                    

UNEDITED

Chapter 1

TAHIMIK NA nagkukulay si Demilla sa kanyang Coloring Book sa kanyang sariling Tree House. Nakadapa ito sa sahig. Napahikab ito dahil sa antok at tamad na kanyang nararamdaman. Wala kasi siyang kalaro, walang may gustong makipaglaro sa kanya dahil natatakot sila sa kanya. Masyado daw siyang maarte at mapanganib.

Nabaling naman ang atensiyon niya ng marinig na may isang taong paakyat sa Tree House. Hindi niya kasi nasara ang pinto kanina. Agad naman tumambad sa kanya ang isang lalaki na may dala-dalang plastic na may laman na maraming pagkain? Hindi siya sigurado.

"Hello, Demilla." bati nito sa kanya. Walang emosyon siyang nakatingin rito na pumapasok dito sa loob ng tree house.

"Siya nga pala, pinagdalhan kita ng mga meryenda. Ito o, Tomi, Sweet Corn, Ri-Chee, Potchi, Choko-choko, Mik-mik, Alibaba, Bangus, Lumpia at may Wonder Boy ako rito." sabi nito habang pinapakita isa-isa ang mga ito sa kanya.

Pumaling ang ulo niya na tinitignan ang lalaki.

"Ay, oo nga pala. Ako nga pala si—— Colette —— Anak ako —— palayaw ko —— pinaikli na——."Pagpapakilala nito. Hindi naman lahat ay pinakinggan ni Demilla ang tanging alam at naaalala lang niya ay ang pangalan na Colette.

"Kulet?" Tanong ni Demilla. Mahinang napatawa ang lalaki.

"Hindi kulet, Colette yun." Pagtatama nito kay Demilla.

Kumunot ang noo ni Demilla at umupo ng maayos. "Kulit nga." Pangungulit nito. Napatawa, ulit ang lalaki.

"Ikaw ang makulit." Sabi nito saka kinurot ng mahina ang ilong ni Demilla. "Kumain ka na nga, Demilla." Yaya nito.

Umiling-iling siya rito. "'Yoko niyan." Ani Demilla.

"Ha? E, ano gusto mo?" Tanong ng lalaki sa kanya.

"Gusto ko baboy." Sagot niya. Napakamot naman ng ulo itong lalaki.

"Saan naman ako makakakuha ng baboy?" Tanong nito.

"Huli ka." Simpleng sagot niya.

Lumapit sa kanya ang lalaki. "Aanhin mo ba yung baboy?" Tanong nito sa kanya.

"Gusto ko alaga." Sagot niya.

"E?" Nagtataka ang lalaki.

"Tapush, tatawag ko sa babuy, Colette!" Sabi ni Demilla tapos humalakhak pa ito. Nakangiting umiling-iling ang lalaki.

"Ikaw, ha. Type mo name ko." Pang-aasar ng lalaki.

"Kulit kasi!" Sabay nguso ni demilla.

"Haha, oo na. Basta kain ka, tas huhuli kita ng baboy." Sabi ng lalaki.

Agad na lumiwanag ang mukha ni Demilla at kuminang ang mga mata niya. "Talaga?!" Excited na si Demilla.

"Oo, basta kakain ka." Sabi nito. Mabilis na tumango si Demilla.

Kinuha niya yung Potchi at kahit hindi pa bukas ay sinubo at ngimuya-nguya niya iyon. Agad niya ding linuwa iyon.

"Pwe! Di sharap!" Reklamo niya sa lalaki na tinatawanan siya ngayon.

"E, hindi mo pa kasi binubuksan. Ganito kasi bubuksan mo muna." Sabi ng lalaki habang pinapakita rito kung paano magbukas.

Napakamot na lang si demilla. "Hirap naman pala." Mahina nitong sabi pero narinig pa din ng lalaki.

Nakatingin lang si Demilla sa masayang ngiti ng lalaki sa kanya. Natameme siya sa labi nito dahil ang saya-saya nito dahil sa kanya. Kaya napangiti din siya dahil hindi siya nito linalayuan, hindi siya nito iniisip na maarte o mapanganib.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon