Chapter 6

30 1 14
                                    

UNEDITED

Chapter 6

NAGMAMAKTOL na umakyat si Demilla papuntang kwarto niya. Naiinis kasi siya kay Daddy Demitri niya. Aalis daw kasi ito kasama si Mommy Vanilla at si Vanitri. Habang siya maiiwan dito para daw may magbabantay at mag-aalaga kay Tancho. Nandiyan naman ang mga katulong pero nahihiya daw si Tancho sa mga ito.Kaya lalo siyang nanggigigil kay Tancho.
Kung sana kasi kung saan bansa lang yung pupuntahan ng kapatid at magulang niya, pero hindi, e. Korea yun! Nanduan ang mga oppa at asawa niya.

Pagtalaga nakita niya baldadong iyun, gugulpihin niya iyun. Nang dahil sa baldadong iyan hindi na siya makakapunta ng Korea. Hindi niya na makikita ang kanyang asawang si Taehyung.

"Lintek talaga yang Tancho na iyan! Perwisyo siya." Sigaw niya.

Bigla naman bumukas ang pintuan at linuwa noon ay si Tancho. Agad niyang kinuha ang pulbos na malapit lang sa kanya at ibinato ito rito. Tumama ito sa ulo ni Tancho.

"Buwiset kang baldado ka! Nasira pangarap ko dahil sayo! Buwiset ka! Umalis ka dito. Ayokong makasama ka!" Bulyaw niya rito at sinipa-sipa ito paalis.

Itinulak niya ng malakas ang wheel chair nito dahilan para mahulog at masubsob sa sahig si Tancho. Kumukulo talaga ang dugo niya sa galit sa lalaking ito.

"Demilla, Anong nangyayari dito!" Dumating bigla ang kanyang Daddy Demitri.

"Pinapalayas ko itong baldadong ito! Naiinis ako sa kanya, Ayoko sa kanya! Bwiset siya!" Sabay sipa niya sa kawawang Tancho.

"Demilla, Tumigil ka!" Sigaw sa kanya ng Ama.

"Ba't ba sa akin kayo nagagalit?! E, itong baldadong ito ang sumira sa buhay ko! Wala na lang siyang ginawa kundi gawin Impiyerno ang buhay ko!" Sigaw nitong pabalik sabay dinuro-duro pa si Tancho.

May mga kasambahay na tumulong dito upang ibalik ito sa pagkakaupo sa wheel chair. Pinanlakihan niya ito ng mata. Para kasi itong maamong tupang nakayuko lang at hindi nagsasalita.

Lumapit siya rito at hinatak ang kuwelyo ng damit nito. "Hindi ko hahayaan na sirain mo ang buhay ko." Pagkasabi niya rito ay sinabunutan niya ito at pinagsasampal.

"Sumosobra ka na, Demilla!" Lumapit sa kanya ang kanyang Ama at hinala siya palayo kay Tancho saka siya nito sinampal ng malakas.

Nasapo niya ang kanyang pisngi at naluluhang tumingin rito. Ngayon lang siya pinagbuhatan ng kamay ng kanyang Daddy. Ngayon lang! At dahil iyun kay Tancho!

"Kinamumunghian kita!" Sigaw niya kay Tancho saka siya tumakbo papasok sa kwarto niya.

Narinig niya pang tinawag siya ng kanyang Daddy Demitri. "Demilla, bumalik ka rito!"

"Demitri, hayaan mo na ang anak natin." Narinig niyang pigil ng kanyang Ina sa Ama.

"Pero sumusobra na siya, Vanilla. Walang ginagawa si Tancho sa kanya. Hindi dapat lumalaking paurong ang ating Anak." Narinig niyang tugon ng Ama
Napapikit na lang siya at linabas lahat ng sama ng loob sa unan niya na malambot.

"Oink, oink." Dinidilaan ni Colette ang kanyang mukha. Yinakap niya ang kanyang baboy.

"Hindi na nila ako mahal, Colette. Inagaw na silang lahat sa akin ni Tancho." Sabi ko rito saka nagpatuloy sa pag-iyak at hagulgol. "Buwiset talaga siya."

–––––––

NAPABALIKWAS AKO ng bangon ng maramdaman kong may may malambot at basang nakalapat sa akin labi. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa aking higaan. Agad kong sinamaan ang tingin ko sa kanya ng makilala.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon