UNEDITED
Chapter 4
MABILIS AT MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Tancho, habang hawak-hawak ang kamay ni Demilla. Umaalon ang kanyang Adam's Apple. Kinakabahan siya hindi dahil sa nakulong sila sa Elevator. Kundi dahil sa hawak-hawak niya ang kamay ni Demilla. Para siyang bakla na kinikilig, nakakainis!
"Sorry, natatakot ako kasi sa dilim naaalala ko yung nangyari noong gabing iyun." Sabi nito na nanginginig pa din sa takot.
"Ha? Anong gabi?" Pagtataka niya.
"Y-Yung gabing.. n-nagbrown out, t-tas tumatae a-ako, u-umurong tuloy." Kanda utal utal nito sabi.
"Ha? Matatae ka ngayon?" Tanong niya.
"H-hindi. Basta hawakan mo lang ako." Utos nito sa kanya.
Ilang sandali pa ay nagkaroon na ng ilaw at unti-unti ng umaandar ang elevator. Agad naman na binitawan na ang kamay niya ni Demilla. Hindi siya nito tiningnan pero siya nakatitig siya rito.
Bumukas ang pintuan at agad na itinulak siya papaalis ni Demilla sa Elevator.
-------
KINABUKASAN ay na discharge na din si Tancho sa Hospital at On the way na sila sa Mansyon ni Madam Chocolate ang kanyang Tita. Sa buong biyahe ay nakatingin lang siya sa labas ng nakabukas na bintana ng sasakyan. Humahampas sa kanyang mukha ang lakas ng hangin. Simula kagabi ay hindi niya kinakausap si Tancho, dahil nahihiya siya sa sinabi niya.
Sa totoo lang, ang naalala niya talaga, e yung gabing nakita niya sa gubat si Tancho na nakahilata at halos walang malay. Sobrang takot ang naramdaman niya doon lalo na ng nahimatay si Tancho. Umiyak siya ng umiyak na yakap-yakap ang binata dahil sa sobrang pag-aalala hanggang sa matagpuan sila ng mga gwardiya.
Napabuntong hininga siya habang inaalis sa kanyang isip ang pangyayaring iyun.
"Maver." Tawag ni Tancho sa kanya. Hindi siya tumugon rito. "Galit ka ba?" Tanong pa nito.
Napapikit siya ng mariin at pinalala muna ang sarili bago niya harapin ang binata. "Hindi ako galit, bakit naman ako magagalit?" Tanong niya pabalik sa lalaki.
"Hindi mo kasi ako pinapansin. Nag-aalala lang ako na baka galit ka sa akin." Nakayukong saad ni Tancho.
Ngumiti siya ng bahagya dito. Huminto ang sasakyan. Ibinaba muna ang wheel chair ni Tancho bago tinulungan ng mga Bodyguard buhayin si Tancho paupo sa wheels chair.
Dahil medyo mabato ay medyo mabagal ang pagtulak kay Tancho.
"Tancho, okay ka lang ba? Nang marinig ko ang balita ay agad akong lumipad pa balik rito." Sinalubong sila ng Tita Chocolate niya.
"Demilla, dalagang-dalaga ka na, ah." Sambit sa kanya. Ngumiti lang siya rito. "Pwede bang mahiram ko muna si Tancho?" Tanong nito.
"Sure, Tita." Simpleng sagot niya saka pumasok na sa bahay. Pagod na pagod na siya kaya dumiretso siya sa kanyang silid.
Humiga siya kaagad sa kanyang malambot na kama at ilang sandali pa ay dinalaw siya ng antok.
-------
KAKATOK na sana si Tancho sa pintuan ng kwarto nila ni Demilla ng biglang may maliit na daliri ang kumalabit sa kanyang balikat.
Napalingon siya at nakita niya ang nakahalukipkip na si Van.
"Samahan mo ko." Malamig nitong utos sa kanya.
Napangiti siya sa batang ito. Katulad na katulad nito ang kanyang kapatid na si Demilla.

BINABASA MO ANG
Reckless
Romance"Gusto ko ako lang. Ako lang ang may karapatan na saktan ka." - Demilla Maverius De Zalviejo © 2018 MissyVII