Chapter 5

25 1 17
                                    

UNEDITED

Chapter 5

NANGMAGISING SIYA ay wala na si Tancho sa kanyang tabi. Hindi na siya nagtaka dahil maaga naman talaga ito nagigising kaysa sa kanya, saka galit siya rito. Kaya heto siya ngayon sa lagi niyang tambayan ang kanyang Tree House.

Katulad dati ay nagbabasa lang siya ng kwento, pero na baling sa iba ang kanyang atensiyon ng biglang may tumawag sa kanya. Lumabas siya ng Tree House at dumungaw roon.

"Magandang tanghali, Binibini." nakatingala ang lalaki sa kanya at kinakawayan pa siya.

Kitang-kita na agad ni Demilla ang manilaw-nilaw nitong ngipin kahit malayo pa ito sa kanya. Wala na lang siyang nagawa kundi pilit na kumaway dito. Bumaba siya ng Tree House at humarap sa lalaki.

"Bakit nandito ka, Rapsy?" tanong niya ka agad.

"Nabalitaan ko kasi kay Nay na tinanghali ka na ng gising at hindi ka pa daw kumakain kaya dinalhan kita ng pagkain. " tugon nito at may ipinakitang plastic.

"Tara, Kain tayo." sabi nito saka siya hinatak papunta malapit sa isang puan na may lamesa malapit lang sa kinaroroonan nila.

"Ano ba yung dala mo?" tanong ni Demilla.

Ngumiti ang lalaki. "Mangga! Anihan kasi ngayon sa manggahan, kaya eto gusto ko ipatikim yung manggang inani ko." pagpapaliwanag nito.

Palihim na napangiwi si Demilla. Baka kasi itong manggang ito ay yung pagkain na laging nagpapadilaw sa ngipin ni Rapsy or baka naman may bula-bulate pa sa loob ng mangga. Napabuntong hininga na lang siya at kumuha ng hinog na mangga.

"May kutsilyo ka ba diyan?" tanong niya rito. Umiling-iling ang lalaki.

"Kamayin mo na lang yung pagbukas." sabi nito sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Ha? Paano?" tanong ko rito.

"Ako na nga lang." sabi nito saka sinimulan ng balatan yung mangga pero nag tira ito ng konting balat sa medyo dulo para may mahawakan ito at ibingay sa kanya.

Nag-aalinlangan siyang tikman ito, kahit mukha naman normal. Kaya sumubo siya ng konti, ngunuya-nguya niya ito at linalasahan ang mangga.

Nanlaki ang kanyang mata at napangiti. Para siyang kinikilita sa sa sarap. "Ang sarap." ani Demilla sabay linantakan pa ang manggang hawak niya.

Natatawang pinagmamasdan siya ni Rapsy. "Hinay-hinay lang baka mabulunan ka." paalala nito.

"Demilla!" may sumigaw ng pangalan niya.

Masama siyang tumingin sa kung sino man Poncio Pilato ang lapastangan na nag-istorbo sa kanya habang kumakain ng mangga.

Animo'y para itong Gabinete kung magmartsa palapit sa kanya. Kaya napataas ang kilay niya.

"Nakita mo ba kung nasaan si Sel?" tanong nito agad sa kanya.

It's her Uncle Godric na tatlong taon lang ang tanda sa kanya. Pinsan kasi ito ng Mommy Vanilla niya.

"Good afternoon, Uncle. Kamusta ka?" nakangiti niyang pagkamusta dito na nagpakunot sa noo nito.

"Damn, Answer my question." nanggigigil nitong singhal.

"Sino ba o ano ba yang Sel na sinasabi mo,Uncle? Egg Sel ba yan? O Sperm Sel?" pamimilosopo niya rito.

"Si Selen." nagtagis ang bagang nito. Mukhang galit na ito. "And don't call me Uncle. Bata pa ako! I'm just 19." angal nito sa kanya.

"Hindi ko alam, baka kasama si Van." sagot ko na lang.

Napasentido ito. "Damn that kid." anas nito. Ilang sandali pa ay umalis na din ito.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon