UNEDITED
Chapter 2
HINDI MAKATULOG si Demilla at napapakamot na lang sa ulo. Naiirita siya, lalo sa lalaking nasa ibaba na kama. Ba't kasi kailangan maghati pa sila sa iisang kwarto. Buti pa ang kapatid niya may sariling kwarto pero tinatabihan ito ng Mommy Vanilla nila.
Napatingin siya kay Colette. Oo, nahanap na si Colette ng kanyang kaibigan noong umuwi. Sobrang na miss niya ang baboy kaya kahit madusing pa ito at madaming germs ay yinakap niya pa din ito. Si Colette kasi ang kanyang lakas at kahinaan.
Hinimas niya ang ulo nito. Natutulog na naman kasi si Colette, lagi kasing antukin, e. Hinalikan niya sa noo si Colette. Napaliguan na din naman siya ni Lola Chichi.
Naisip niya bigla ang lalaki sa ibaba.
"Gancho, tulog ka na ba?" Tanong niya rito. Walang sumagot.
Siguro ay tulog na ito kaya hinayaan na lang niya itong matulog. Balak niya na din sanang matulog ng marinig niya ang boses nito, ngunit bigla siyang nakarinig ng mahinang tawa.
"Maver, it's Tancho, hindi Gancho." Pagtatama nito sa kanya.
Umirap naman siya.
"Magkatunog naman, saka Demilla sabi name ko!" Naiirita niyang tugon. Narinig niya naman ang mahina nitong pagtawa sa kanya.
"Bakit gising ka pa?" Tanong nito sa kanya. "Naiilang ka ba sa akin?" Dagdag niya pa.
"Ewan ko. 'Wag ka na ngang magsalita,Gancho. Naiinis lang ako lalo sa'yo." Sambit niya rito.
"Nakakadiri ba talaga ako sa'yo?" Tanong pa nito. Napahinto siya ng sandali.
"So-so." Sagot niya.
"Suso?!" Medyo gulat nitong tanong sa kanya.
"Bugok, so-so kasi! Ibig sabihin medyo-medyo." Paliwanag niya sabay iling.
Napaupo siya saka sumilip sa ibaba. Napatingin naman sa kanya ang lalaki.
"B-bakit?" Utal na tanong. Napailing na lang siya rito.
"Nitatamad ako. Magkwento ka nga, Tancho." Utos niya rito.
"Ha? Tungkol s-saan?" Tanong nito.
"Kahit ano. Basta tungkol sayo." Sagot niya saka bumalik sa pagkakahiga sa kama niya.
Ewan ba niya. Pero parang mas gusto niya makilala ang binata.
"Ano. Tancho pangalan ko hindi Gancho.." napangiti siya sa sinabi nito. Kanina pa kasi niya itong tinatawag na Gancho. "Labimpitong taon na ako. Namatay ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente." Dagdag niya pa.
"Alam ko na lahat niyan,e." Reklamo niya.
Mahinang tumawa ito."Wala naman kasi akong makukwento sayo. Matulog ka na lang, Maver." Sabi nito sa kanya.
"Bahala ka diyan." Sabi niya rito sabay akap sa kanyang baboy. Di nag laon ay nakatulog din siya ng yakap-yakap si Colette.
-------
NAIINIS NA GUMISING si Demilla dahil noong naligo siya ay halos wala na siyang maisuot. Kaya agad siyang lumabas at hinanap niya si Lola Chichi. Agad naman niya itong nakita sa likod ng bakuran.
"Lola Chichi!" pasigaw na tawag niya at lumapit sa matanda. "Lola Chichi, wala na akong susuot bukas. Itong panty na suot ko ito na lang ang huli kong panty!" naiirita niyang sabi sa matanda.
"Ineng, hindi ba sinabi na sayo ni Ma'am Vanilla, na kayo na lang ang maglalaba ng sarili niyang damit. Para maging responsable kayo at hindi umaasa sa iba." saad ng matanda.
BINABASA MO ANG
Reckless
Dragoste"Gusto ko ako lang. Ako lang ang may karapatan na saktan ka." - Demilla Maverius De Zalviejo © 2018 MissyVII