Chapter Three

92.8K 3.4K 228
                                    

Hot

Dionysus Joaquin Consunji's

"What happned? Tumawag si Achill noong isang gabi, nagwawala ka daw, Dio. Ano bang nangyari?"

Bumungad sa akin si Callista nang umagang iyon. It was Saturday and I have texted her the other night that I fired my maid. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya nandito. Callista is my only sister. I am older by three years pero madalas sabihin ni Mama na parang si Callista ang panganay sa aming dalawa. She was the one always looking after me.


"I thought that the kids were kidnapped. Apparently, they weren't. I kinda made a scene at that woman's unit. Achill found out and maybe that's why she called you."

"What were you thinking? Saan ka ba nanggaling na naman kagabi? Diba nga I told you that if you cannot take care of the kids, bring them home to Mama and Papa or at least let them stay with me."

"I cannot do that, anong sasabihin ni Papa sa akin? That I failed as his son and now I am failing as a father to my children."


"Pero diba nga iyon ang nangyayari sa'yo?" She asked back. "Hindi mo na dapat sila kinuha kung hindi mo naman sila kayang alagaan."

I cannot believe that I am having this argument with Callista, yet again. Ilang beses na naming pinag-awayan ito, wala namang nanalo sa aming dalawa. I won't let her win, hindi naman kasi niya ako naiitindihan. Wala namang ibang dapat pagpilian sa sitwasyon ko. Hindi ko naman pinagsisihan na kinuha ko ang mga anak ko. Akin sila. I should be the one taking care of them. Mahirap, oo pero kinakaya ko.

Naiintindihan ko rin na hindi ako basta matatanggap ni Cassandra at ni Castle. I was an absentee dad. Akala ko kasi basta binibigyan ko sila ng sustento ay okay na. Nitong huli ko na lang na-realize na hindi pala dapat ganoon, na kahit wala akong balak pakasalan si Nicole noon, dapat ay naging involve ako sa buhay nila. I was too late when I realized that. Ang layo – layo nang loob sa akin ni Cassandra. She cannot even look at me. Kapag tinitingnan niya ako ay para bang sinusumbatan niya ako. Napakabata ni Cassandra but she makes me feel like I will never be enough for her and her brother.

"Kaysa makipagmatigasan ka kay Papa, aminin mo na lang na hindi mo kaya."

"And then what? He'll rub it on my face?" Inis na sabi ko. Kinuha ko ang hawak na tasa ni Callista at ininom ang laman niyon. I cannot let Papa see that I am a weakling. It's bad enough na binawi niya sa akin ang Presidency at ibinigay kay Callista dahil pakiramdam niya mas magagawa ng kapatid ko ng maayos ang trabahong iyon, hindi ko aaminin na nahihirapan akong kuhanin ang loob ng mga anak ko.

"Tell them the truth then." Callista said again.

"And watch them break their hearts?"

"Mas madaling ikaw ang mali sa mga mata ng mga anak mo kaysa ikaw ang tama? Ano bang masama kung malaman nila na kaya sila ibinigay ni Nicole sa'yo dahil mag-aasawa na siya? That's easier. Yes, she loved the kids but the moment her fiancé stepped in, she ditched them, what kind of mother is that? Iyong ibang ytao nakikipagpatayan magka-anak lang tapos siya, nabigyan lang ng diamond ring, itinapon na ang mga bata."

"Lower down your voice." I hissed at her.

"Are you talking about Mommy?" Natigilan kaming dalawa ni Cali nang makita kong nakatayo na si Cassandra sa may entrance ng kitchen. I shook my head.

"No. We're not, right Cali?"


"Oh, if you say so." Sabi pa ng kapatid ko. Ngumiti siya kay Cassandra tapos ay inalok na siyang kumain. Cassandra sat on the dining chair while waiting for Cali to fix her food.

Fix youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon