Grocery
Monica Elizabeth Soria's
One month later...
"I'm okay, Ma, I am walking in my floor with my groceries with me, I am safe. Walang sumusunod sa akin. Don't be paranoid."
Natawa ako habang naglalakad ako papunta sa unit ko. Balik na sa dati ang buhay ko. Okay naman ako sa normal kong buhay. Hindi ako nakakasakit. Hindi rin ako masasaktan. Ganito lang ang gusto ko, iyong ako lang kasi tinanggap ko naman noon pa na tatanda akong mag-isa because of my inability to bear children.
"Papasok na ako sa unit ko, Ma. Yes, Ma. I won't turn my phone off. Yes, Ma. I will call you tomorrow. Yes, Ma. Okay, I love you."
I ended the call and then I took out my keycard para mabuksan ko na ang pintuan ko. Bago ako pumasok ay napatingin ako sa corner kung saan may malaking house plant roon. I remembered Cassandra. I missed her. Minsan naiisip kong nasa unit pa rin nila sila at naghihintay lang na puntahan ko pero niloloko ko lang ang sarili ko, wala na sila dito sa Skyline Vejar Towers. They left. Ni hindi ko alam na umalis sila but I took that as Dionysus' answer. Hindi ko naman siya tinanong. Sinabi ko lang sa kanya ang totoo tapos ay naghintay ako. Like what Paolo hav said, I let him decide at mas pinili niya ang lumayo. Wala namang kaso. Hindi ko naman siya hinahabol, wala naman akong karapatan sa kanya.
Ako rin naman ang nagsabi na we just fuck. That's all we do. Wala nang mas lalalim pa roon.
Ibinaba ko sa kitchen counter ang brown bag na dala ko. Sinimulan kong ayusin ang mga grocery items na binili ko. Inilagay ko sa cup boards ang ga canned goods and cereals ko. Iyong milk, inilagay ko naman sa ref. Nang matapos ako ay nakatayo lang ako sa kusina, natitigilan, napapaluha. Ang lungkot – lungkot ko kasi.
I let the tears fall. I never questioned God about my condition but right now I wanna ask him kung kasama bas a condition na mayroon ako ay iyong hindi ako pweden sumaya. I know, tulad ng sinabi ni Paolo, ako lang naman ang nagdesisyon para sa sarili ko, para sa amin ni Luis, kaya hindi ako masaya pero tama naman sigurong sabihin na tulad nang nangyari kay Luis, ayokong maging unfair kay Dio. Nagtapang – tapangan ako, sinabi ko ang totoo pero hindi naman niya ako pinili, hindi naman niya ako binalikan.
Nandoon pa rin kasi iyong umasa ako. Iyong sana babalik siya sa akin, sana tatanggapin niya ako, sana pwede kaming maging masaya kasi ako, aminado ako, napakalungkot kong tao. Palagi kong naiisip na mamamatay akong mag-isa – that was a given fact. Pero noon hindi ko naman dinidibdib kasi tanggap ko but when Dio and the kida came, may pag-asang nabuo sa puso ko, nab aka pwede, na baka may chance, pero wala rin naman pala.
My phone rang kaya napatigil ako sa pagmumuni – muni. Si Yves ang tumatawag sa akin. Sinagot ko iyon. Naisip ko kasing baka emergency na naman.
"Manganganak na si Ate Clari, Ate Molly. Sabi ni Kuya Pao, tawagan daw kita. Nasa Varess Medical City kami."
That is good news. I wanted to hear that. Sinabi ko na lang na pupunta ako bukas. I'm sure that Paolo wants to spend time with the mother of his kid and sort things out. Hindi muna ako mang-iistorbo.
Pumasok ako sa silid ko at nahiga sa kama. I tred sleeping pero tulad noong mga nakaraang linggo, hindi ako nakakatulog nang hindi naman ako umiiyak.
I got my heart broken because if my high hopes. Hindi pwedeng ganoon. Akala ko talaga magiging okay na ako pagkatapos ng lahat ng ito. Ang haba nang panahon kong inihanda ang sarili ko sa ganito. Wala rin, kahit pala gaano mo katagal paghandaan ang isang bagay, kapag dumating ang puntong iyon ay napakasakit pa rin.
Iyong mga sumunod na araw ay ganoon lang din, napakatahimik, napaka-boring, napaka- general. Wala nang kakaiba, puro kalungkutan na lang. Alam kong isang araw, makaka-move on rin ako sa nangyari sa akin, hihintayin ko na lang ulit ang araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Fix you
General FictionMonica Elizabeth Soria have made her decision: she is going to grow old alone. Why? Becayse the love of her life has finally found the love of his life and she couldn't be any happier for him. She is ready to for the Titas of Manila kind of life an...