a/n: sorry po sa late update guys!! <3
*Kevin’s Pov*
Hi guys…its my time to shine! Ok enough of that alam ko na I’ve been the greatest jerk kay Faith next to captain sa ginawa niya dati kay Oli but at least its never too late na bumawi diba? Now for the most important question…paano nga ba ako makakabawi sa isang diwata who in such a short span of time already owns my heart? Since chapter naman namin to I’ll do a little bit of storytelling muna about sa amin ng aking pinakamamahal na diwata, although mu lang kami nun but dun na rin kami papunta of course. Kung bakit pa kasi dumating ulit sa eksena ang ex gf ko na malas yata sa lovelife ko. Haysh #pogiproblems ba.
I can still remember the first time I saw her…tumigil literally ang pag ikot ng mundo ko, ang ganda niya kasi. Ang cute cute lang ng chinita eyes niya na lalong naging singkit when she smiled at me…and since hindi ko ugali ang magpacute ng sobra I invited her to sit beside me and we started talking at dun ko siya talaga nagustuhan. In the short span of time na nakapagusap kami hindi ko na siya gustong pakawalan so I invited her out and nung akala ko na things were going well between us bigla naman siyang nanlamig at dahil nga yun kay Natalie. Kung bakit ba naman kasi nag-usap pa sila at nakita pa kami ni Faith na nag accidental kiss…ok accidental kiss or not a kiss is still a kiss according to papi Forts.
‘hay life…’ I sighed kulang na lang magwala ako sa kaba ‘back out na lang tayo cap…hindi ko ata kaya!!’
Tumawa naman si cap at sinapak ako ng slight ‘tumigil ka Ferrer…one and only chance mo na to para makausap ang diwata mo. Buti nga tumulong pa sina Via, shobe and Cassie sa plano mo.’
‘oo nga master, nahirapan sina babes sa pag convince kay Faith na wag na muna bumalik sa Banahaw at samahan sila kumain sa DQ Moa ha.’ Paulo added ‘kaya go lang tayo sa plan mo.’
‘at least hindi ka naka costume unlike cap…hehehe and natarayan lang naman ako ni Cassie nung sinabihan ko siya about sa plano mo’ sabi naman ni Kaizen habang tumatawa tumigil lang siya ng tingan siya ni cap ng masama. ‘kaya nga go na ok master?’
‘kalma lang kasi papi…we didn’t rent DQ para lang mag back out ka.’ Si Papi Forts na ang nagsalita ‘and for sure naghihintay na ang diwata mo.’
‘eh kasi…’
‘lalabas ka or lalabas ka?’ tanong sa akin ni Papi Teng while glaring…hindi naman masyadong effective kasi nga singkit siya.
‘opo…eto na nga oh lalabas na.’ bulong ko while opening the car door and I breathed in a gulp of fresh air…inhale…exhale…inhale…exhale…hooo! ‘let’s go sago!’
This is it…lumakad na nga ako papunta sa kanya. Her back was facing the door so hindi pa niya ako nakikita which was good kasi kung nakita na niya ako agad for sure walk out na naman ang mangyayari and hahabulin ko na naman siya palabas eh ang hirap tumakbo pag naka suit and tie ka. >.< oo nag suit and tie ako pati nga fedora ni Bruno Mars hiniram ko na knowing na favorite singer siya ni Faith. Lumingon ako sa likod ko and I saw the boys quietly enter the shop and took their respective seats at the back…eto na nasa likod na ako ni Faith…please please sana good mood ‘tong pinakamamahal ko ngayon and here goes nothing…I slowly and softly touched her shoulder.
‘Faith? Mahal?’
She turned around and rolled her eyes when she saw me ‘nu meron? Sino ang namatay ba’t ka nakaformal? Si Natalie? Kasal niyo na? ok congrats! Bye!’ she said and turned her attention back to the book she was reading.
Ayun na tinopak na nga…kuu kung hindi ko lang talaga mahal ‘to eh ako na ang nag walk out ngayon and before I could say something nagsalita na siya ulit.