Chubby 25

208 10 2
                                    

KOLLIN'S POV

"Oo na ! GUSTO KITA!"

Nasabi kuna nga. Period.

Ang bilis ng pintig ng puso ko, pinipilit  pakalmahin ang anu mang nag wawala sa  katawan,nanatili lamang  akong naka yuko malapit sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya sa sinabi ko! Waahh!.

Tahimik ang paligid, pero naririnig sa malayu ang music mula sa party.

"Magkaiba tayu ng gusto.."

Nanigas ako ng mag-salita siya.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, kulang nalang lumabas yun.

Ito na  ba ang sinasabing Basted? Rejected?  Broken  hearted?
Kasi p*tang ina ang sakit !

Sunud sunod nagsituluan ang luha ko, animo may  sarili itong isip, mas masakit pato nung sinabihan ako na mukang torun! Paksh*t !

Nataranta ako ng higitin niya ako  malapit sakanya, mag-kadikit na magkadikit ang katawan namin,

anu to??

Hawak niya baywang  ko at  halos mag kayapos na kami, dahil mataba ako tagiliran lang pala, ah basta kayu na bahala mag imagine!

Tinapat niya rin muka ko, face to face  na kami ngayun, di ako maka hinga at di ko na alam!

" mag-kaiba tayu ng  gusto.. dahil.... ang gusto mo AKO  at ang gusto ko IKAW"  

Kasabay nun pag sabog ng Fireworks  sa madilim na kalangitan pero hindi yun dahilan para hindi maalis ang tingin namin  isa't isa..

AKO, tulala sa kanya at pinaprocess ang sinabi niya, SIYA na nakatitig at may namumuong ngiti sa labi niya.

"I'm in love with the shape of you..." siya

"para siyang kanta pero.. kanta talaga siya ni Edsheeran..but yeah! Im in love with shape of you.. " siya ulit habang naka ngiti na

At dun lang nag sink-in sakin lahat,diko maexplain ang nararamdaman ko ngayun, gusto kung umiyak at tumawa mag damag!

"And.. we push and pull like a magnet too.." hinapit niya ulit ako palapit sa kanya habang may pilyung ngiti  sa labi niyang kay sarap.. ay ewan!

"Uhmm!"

"F*ck ! What was that for!"

Nakatikim siyang apak dahil ang bastos niya na, panira  ng moment ang kupal!

" anu bang iniisip mo ha!" Galit na siya.

" bahala ka dyan!" Sa sobrang kilig ko, tinakbuhan ko siya.
Waahhh ! Gusto kunang umuwi.!

--....



Anu na ba sunud pag katapos  magka-aminan  nang nararamdaman?

Hindi ko alam kung anu na  ba kami ni Steed?  Anu na ba status namin?

Bigla naman  ng init ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari noong party.

Dalawang araw narin ang nakalipas, at simula nun di pa kami nag kikita,namimis ko siya na hindi! Nababaliw na ata ako.

Gusto ko siyang makita ngayun pero, hindi pako handa!

Aishh! Anu bang sasabihin ko Pag nag kita kami?
Hi? Hello? Sup yow musta na! ?

Hay! Mababaliw talaga ako kakaisip...

Nandito ako ngayun sa mall , mag kikita kami ni Lyn, balak korin sabihin sa kanya ang  nangyari  nung mga nakalipas na araw hindi ko kasi talaga kaya pa na sarilihin ang lahat, sasabog na siya!

Over My Dead Chubby and Ugly BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon