Chapter 36 - Canada

196 6 4
                                    

Thanks po ng marami sa mga nag reads and nag votes. Here's another chap for you!.😚-xoxo💍💞💞

STEED

" please Steed kahit hindi para sa ama mo, kahit para sa akin.." pakiusap ng aking ina. Namumugto ang mga mata nito marahil sa mag damag na pag iyak.

" what' s the use ma?" Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ako doon?

O Kailangan ba talaga kami don?

"intindihin munaman ang daddy mo Steed, sa mga huli niya man lang sandali maranasan at maramdaman niya man lang na may pamilya siya, yan nalang ang huli n-niyang h-hiling.." hindi nanaman nito napigilan ang luha.

" maranasan??!! Bakit pinagkait ba natin sa kanya yun! Actually Marami siyang time para, puntahan tayo, Na balikan niya tayo! pero anu? Anu ginawa niya? wala diba?

Tinatanung ko ang sarili ko ma! Halos araw araw Bakit hindi man lang magawang mag paramdam ni papa sa atin? sa Pamilya niya?

He has all the time in the world to catch up but what he did was nothing! Hinayaan niya lang kami na parang hindi niya anak Anu ba tayu para sa kanya! Ha!?

" anak,.. " lumuluhang niyakap ako nito.

" sorry,.. kasalan ko..sorry dahil hinayaang kung mangyari to, ang totoo niyan w-walang kasalan ang papa mo. K-Kasalan ko.. " humahagulhul nitong sabi, nangilid ang aking luha sa mata at matamang tiningnan ang aking ina.

Hindi ko maintindihan..

" Steed Im sorry but i promise i will explain this, i'll tell you everything, but first we have to go to Canada your father need us! "

Umiling iling ako na iniwan ang aking ina at mabigat ang loob na pumasok sa kwarto.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ang gulo ng utak ko hindi ko alam ang unang iisipin.

Kung ang ama ko ba na may sakit at
Ang buhay nitong isang taon nalang ang itatagal o
ang sasabihing katotohan ng aking ina, at ang pag alis ko at ang taong posible kung maiwan, Hindi ko alam kung panu ko pa isisiksik sa utak ko!

Mariin kung napakuyum ng kamao! Gusto kung mag wala! Hindi biro ang isang taon na manatili sa Canada! Hindi ko rin pwede gawing MOA at QC ang Pilipinas at Canada para araw araw bumyahe.

Marahas kung sinarado ang pinto ng kwarto at pabagsak humiga sa kama.

Isang Linggo, may isang linggo pa ako para pag isipan ito hindi ko kayang iwan ang buhay ko sa pilipinas, Hindi ko kaya ang isang taon masyadong matagal.

Si Kollin ang naisip ko sa situation nato.

Isama kunalang kaya?

Hindi pwede, panu ang pag aaral niya? Ayukong madamay siya sa situation alam kung mahihirapan siya..

Panu kung pumayag siya? tanung ng kabila kung utak.

Napakamasarili ko naman kung ganun, hindi imposible na sasangayon siya pero, hindi ako papayag na isakrepisyo niya ang pag aaral niya para lang sakin.

Uggh! Nasabunutan ko ang sariling buhok !

Kinuha ko ang cellphone ko at denial ang numero nito.

"Hello." Agad namang sagot nito.

Automatic gumaan ang pakiramdam ko, yung pakiramdam na ok na
ang lahat.

Matagal ako bago sumagot, iniisip kung panu ko sasabihin ..

" hoy! Hellow! Tatawag tawag hindi naman pala mag sasalita ibaba ko na--"

" i love you." Putol ko sa iba pa niya sanang sasabihin.

Over My Dead Chubby and Ugly BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon