February 18, 2018
Dear Accounting,
Pumasa ang accounting subjects ko sa midterms. Sana makayanan hanggang finals. Third Quarter na rin this week. Sobrang busy namin hanggang ngayon. Andaming reports sa iba't ibang subjects at hindi ko alam kung matatapos pa kaya yun hahaha. Katatapos lang din namin magdebate sa MAS about considering variable costing for external reporting at ang mahirap dun eh positive kami. Pero buti nairaos namin at nanalo kami kahit medyo lugi kami dahil may GAAP ang kalaban. May bagong research study ulit kami sa Audit namin. Mga credit cooperatives ang papasukan namin at sana pumayag sila na masurvey namin. Habang tumatagal lalong humihirap pero keribels lang (sana..). February na ngayon, hindi na matanggal sa utak ko ang papalapit na Qualifying Exam. Pero bago yun, dapat umabot muna ang grades namin sa cut-off bago makatake ng exam. 9 subjects ang QE ngayon which is HUHUHU. Limang accounting subjects, dalawang tax (1&2), isang Claw at Statistics ang coverage. May kasabay pa kaming OJT this summer, hindi ko alam paano pagkakasyahin ang oras. Sana makapasa kami at walang matanggal. Maiba tayo, excited ako sa new books na darating. Hulaan mo. HAHAHA Mga taglish accounting books (textbook) at English (Q&A). Nagbabalik ako sa basic hahaha Trip ko lang. Feeling ko i'm building my foundation into a stronger I mean.. strong one. Chossss. Mahina ako sa probsolving at di na madadala sa basic yun hahaha. Laban Filipinas! Sana mahalin na ako ng mga numbers. Belated Happy Valentines!
Nagmamahal,
Tres