Time (dream): 3:25AM
January 19, 2019
Dear Accounting,
Goodday! Saturday ulit. Review ulit kami sa review center. It means na maaga kami ngayon kasi babyahe pa tapos 8AM yung pasok. AFAR subject namin ngayon. Anyway, alam mo ba nung isang araw nagdrill kami sa MAS at FAR Probelem. HUHUHU. Naiiyak ako sa MAS. Kahit logic, 'di ko masagutan halos lahat ng tanong. Nabasa ko hanggang 50, hindi pa nakaabot ng 20 yung nasagutan ko. Nagtake time talaga ako dun kasi naman nataranta nako dahil sa theory part pa lang wala na akong masagot kaya namental block na ko hanggang sa problems. Di na ako makapag-isip ng maayos. Huhu. 2 hours yung drill e. 1hr for MAS at 1hr for FAR. Pero lagpas 1hr na ako sa MAS at di pa ako tapos kaya kumuha na lang ako ng testpaper sa FAR at binilisan ko na yung FAR problem. Ang goodnews ko lang dun, binalik yung mga tanong. Galing yun sa monthly exam namin last week tapos natingnan ko kung san ako nagkamali kaya napag-aralan ko yung testpaper kahit papaano. Buti na lang naalala ko pa kaya mabilis lang ako kahit 65 items yun. Pero syempre kahit alam ko yung ganun yung sagot sa ibang items, nagstick lang ako sa paano ko nasolve kasi naniniwala ako hindi ako yung mali HAHAHAHA. May standard naman yung FAR, kaya majujustify mo talaga. Ayun atleast alam kong pasado ako sa FAR. Binalikan ko ulit yung MAS, wala talaga. Nahihirapan ako sa kanya. Sa lahat ng accounting subjects, yung cost accounting yung ayaw ko. Hindi gumagana yung utak ko huhu. Hindi ako marunong ng Mathematics. Hindi ako marunong maghanap kay X. Kasi naman, wala pa akong naging X. Pano ko hahanapin ang hindi ko naman nakilala? Hahaha charot. Kaya ayun, natapos ang araw na umiiyak ako sa buong 4th year ko. Ngayon lang 2nd Sem at gagraduate na kami, dun pa talaga ako umiyak. Hindi talaga ako umiyak dahil sa babagsak ako. Umiyak ako kasi 4th year na ako tapos wala talaga akong logic dun sa MAS. HUHU. Humingi ulit ako ng sign ni Lord.
At ngayon nga, nanaginip ako. Muntik na talaga ako masagasaan. And that way, I'll take that as a sign. Kasi, andaming eksena na naghihintay ako ng masasakyan tapos wala akong masakyan. Nagtake time talaga yung dreams ko sa scene na yun simula papalabas ng school dahil uuwi. Naghintay pa ako sa waiting area and then nakita ko pa kakilala ko para sabay sana kami uuwi pero bigla syang nawala nung dumaan yung mga sasakyan. Hays. Then ilang sandali papalakad na ako... Ayun, kitang-kita ko sa mata ko na masasagasaan ako. Abot kamay ko na yung harapan ng sasakyan eh at ang bilis ng takbo niya. And dun, bigla syang bumagal at nahinto. Nashock talaga ako nun, kasi nasa utak ko nun 'Ito na naman'. Alam mo naman nung summer nadisgrasya talaga ako. Banggaan din. I took that as a sign na papasa talaga ako sa QE. Hindi ako napuruhan nun, dahil may plano ang Diyos na magiging BSA 4 student pa ako. At magiging CPA. Kaya yung humingi ulit ako ng sign ni Lord ngayon, ayun, sa pamamagitan ng panaginip. Mamatay talaga ako nun 'pag hindi yun huminto. And with a little conversation with the driver and his passenger, I thanked him na buti hindi na tuloy. Nagsign of the cross ako at nagpasalamat kay Lord. And with that, nagising ako. Thankyou Lord for the sign. Kahit ganun yung nangyari sa MAS, lalaban pa rin.
Paalam. God bless our way to Review Center ❤
Maliligo na,
Tres