December 21, 2018
Dear Accounting,
Sa wakas! Kahit wala talaga kaming matatawag na break, at least makakapagpahinga kahit konti ang mga utak namin. Sobrang busy na talaga this semester. Lalo na ngayon at loaded talaga kami. Sino ba namang 'di maloloaded e 4 years lang ang accountancy sa school namin. Ngayong 4th year second sem ay school + integrated review + thesis = GG. Monday to Friday ay nasa school kami dahil may 7 subjects pa kaming kinukuha. Saturday at Sunday ay review namin sa isang review center na may kalayuan. Babyahe pa kami nyan madaling araw ng saturday at nakakauwi ng 8-9PM ng sunday. Pagod at antok lagi. Hating-hati talaga utak at oras namin dahil sa bakanteng oras mag-aaral kami para sa weekly drills, monthly drills at preboards etc. Tapos isisingit pa namin ang Feasibility Study (thesis) namin. Yung kabilang school na 5 year ang BSA e nashock sila nung nalaman nilang marami pa kaming subjects sa school. Hindi ko alam kong dapat ba naming pangarapin ang 5 years. Pero laban lang talaga. Yung mga nasa isip nilang nabibilib sila at nakakaya pa namin. Kung alam lang nila. Sa tuwing may events na ibabalita parang wala na silang excitement na hatid sa amin dahil siguro sa kinakaharap naming pagsubok. Tila pati salitang leisure, kinakain na ng pagod. Namanhid na rin ata kami dahil everytime may abrupt announce exam sa ibang subjects, wala lang sa amin. Kumbaga, wala na kaming pakialam dahil ang nakaprogram na ata sa utak namin e mapasa ang review at ang natitirang board subjects. Mukha na kaming living zombie na patuloy naglalakad upang kumain ng utak. Aral dito. Aral doon. Konting pahinga at tawanan sa kabila ng lahat. Sinasabi nilang kami ang pinakamahinang batch, oo tanggap namin at alam namin yun. Wala naman kaming magagawa e ganun talaga. Ang hiling ko lang, 100% sana pumasa lalo na sa batch namin (BSA 4). Katorse na lang kami, sana makuha namin ang titulo sa dulo. Hindi lang naman pagiging CPA ang pangarap namin pero syempre titulo muna. Sa dami ng hirap, lungkot at luhang ibihuhos, hindi naman option ang umatras. Habang nandyan pa sa kamay mo, kapit lang. Sana maging masagana at maayos ang pasko at bagong taon. Merry Christmas everyone! Sana makamit natin lahat ang ating mga mithiin. God bless you ❤
Nanganganib sa review,
Tres
![](https://img.wattpad.com/cover/133460575-288-k527855.jpg)