October 27, 2019
Dear Accounting,
Sa wakas! Naalala ko ulit magsulat. Gustong-gusto ko magsulat dito during review kaso di ko magawa sa sobrang busy. May times naman na nagrerest kami, nakakalimutan ko 'to. (ML lang ako nang ML) HAHAHAHA. San ba ko magsisimula? Sige sa simula hahaha
Sa VSA-IRS ako nag review. Iloilo Review School (Leganes, Iloilo). Malaki talaga ang kaibahan ng approach nila compared sa review center namin nung integrated review. Sa iloilo, back to basic talaga at mabagal lang ang phasing sa simula kaya makakasabay ka at makakaadapt kaagad kapag binibilisan ng konti. Speaking of basic, alam kong lahat naman ng review center nagtuturo din ng basic dahil part naman talaga yan. Iba kasi ang sa Iloilo, gaano man yan ka-easy, ineexplain talaga. Yung tipong para kayong kinder na walang alam. Pantay lahat doon. Kung super advanced ka, ikaw mag-aadjust sa way ng pagtuturo doon. Ang the best pa doon, ay ang mga instructions ng reviewers. Napakapowerful talaga ng mga instructions nila. Follow ka lang talaga at mag-iimprove ka. May limang preboards doon pero wag kang mag-alala, hindi naman lahat yung coverage. Depende sa nalesson lang. Syempre, yung final PB ang lahat na ng coverage.
Struggles ko? Sobra sobra. Kasi alam nyo namang average lang ako. Minsan nagbebelow average pa. Depende sa lesson HAHAHA. Marami akong hindi alam na natutunan ko sa review na. May mga alam ako pero mas lalo naging firm dahil naeexplain ng maayos dun. Yung mga minemorize ko noon, may dahilan kung bakit ganun. Hindi na mabigat sa utak.
Napepressure lang ako kasi gumastos talaga pamilya ko knowing na employment yung assessment ko eh nagreview pa rin ako. Day 1 ng review, binigay ko na lahat. Naalala ko pa sa initial weeks ng review, dun ko naisip ulit ang lahat ng paghihirap ng pamilya ko, mga napagdaanan ko, mga gusto kong tulungan at mga gusto kong mangyari sa buhay namin. Mahirap lang kasi kami. Yung kapatid ko ang nagpapaaral sa'kin saka sa review. Minsan si mama gagastos kapag may pera. Scholar ako ng city pero malaki pa rin ang excess (75%). Hindi naman ako dean's lister, accounting ba namang tres tres tayo. HAHAHA Tinipon ko lahat at ginawang motivation sa pagrereview. Minsan kapag nawawalan ako ng pag-asa lalo na sa results ng preboard exams, iniiyak ko na lang kay Lord. Hindi naman kasi ako open sa family ko eh. Kinikimkim ko na lang kahit ang sarap ng sumuko. Pero at the end of the day, keep the faith.
Final preboards, nagdadalawang isip ako kung magtetake ako. Sa pag-iisip ko, natripan ko na lang magselfie2. Part sa review talaga minsan, selfie2 sa kwarto. Nagsuot ako nun ng ID dahil exam day yun. Yung cord sa ID ko may nakalagay na VSA-IRS THE EASIEST WAY TO BECOME A CPA. At nung tignan ko picture ko, ang nacapture ko is yung .."ME A CPA". Sabi ko, magtetake na ko ng final preboard. Natatakot kasi ako sa magiging resulta baka ikadown ko pa pagdating ng actual board. Ayun nga, binugbog ako sa final preboard pero okay lanv atleast natry ko talaga. Dun ko narealize kung di ako nagtake, walang mangyayari sa'kin. Nakaabot akong ng average 75 pero failed pa rin ang status ko. Napapaisip na ulit ako kung magtetake ako ng actual board, andami pa ring kulang. Napakalaki ng pasalamat ko sa reviewers namin na sobrang hands-on sa amin. You don't need to know everything to pass the board talaga. Kahit 60% lang ang alam mo, ipaglaban mo. Sabi sa amin, 'you are not in the position to score yourself'. Lumaban ka lang at wag kang patutumba. Be firm. Huwag kang papadala kung mahina ka sa ilang topics. 'Wag mong hayaang madamay ang iba.
Natatakot ako sa exam baka wala akong masagot. OA na ako kung OA pero tinanong ko talaga yung repeaters if answerable ba talaga kahit konti yung actual board. Hahahahaha.
Unang araw ng exam, tax at rfbt.
Unang subject pa lang, parang ayoko na. Nasabi ko pa sa isip ko na ganito pala kahirap ang exam. Kung babagsak man ako, parang ayoko na magtake ulit. Then, naalala ko mga kakilala kong ilang beses na nagtake, dun ako bilib na bilib sa kanila. Nilakasan ko na lang ang loob ko sa 3 days na yun. Nasimulan ko na eh. Edi tatapusin ko na rin kahit sa utak kong parang ako yung matatapos eh. HahahaLast day of exam, nung madaling araw na yun nakita ko ang 3 stars (na highschool ko pa inaangkin) na never kong nakita during review. Sabi ko sa sarili ko, sign na kaya ito? C-P-A. Nabubuang ako sa kakacondition sa sarili ko para maging positive lang talaga. Hahaha. Grabing defenses talaga ginawa ko nun maprotektahan lang ang emosyon at utak ko. Yun talaga pinupush ng review center namin. Pray lang din nang pray. Tas tawa lang ako nang tawa kahit nagfafireworks na yung puso ko sa kaba.
Last subject nun sa AFAR, nagtataka ako kasi pagstart talaga ng exam, pagyoko ko sa papel, nagsimula akong sipunin hanggang matapos ang exam. Akala na nung iba, umiiyak ako. HUHU. Kung karoommate kita, hindi ako umiiyak nun. HAHAHAHA Hindi ko mapaliwanag kung bakit tulo nang tulo sipon ko HAHAHA natatawa ako kahit natatakot sa exam. Hindi ako makapagconcentrate sa exam. Sobrang ingay ko talaga. Kisame ata iniexam ko nun eh. Tingin ako nang tingin sa taas (ano nga tagalog ng 'naghangad sa kisame'?) Hahaha basta yun na. Kapag yuyuko ako, tutulo talaga. Bwst hahaha. Nagtataka ako nun, naging positive na lang ako hanggang sa matapos at inisip na baka may kapalit ito hahaha. KAPAL koooo!
Sobrang hirap talaga ng exams. Yung tipong kalahati lang nasasagot mo, hindi pa sure. Sabi nung kilala ko, mafefeel mo daw kung papasa ka o babagsak. Wala e. Wala akong nafefeel. Hindi ko talaga feel pumasa. Kahit siguro si madam awring, hindi mafeel hahaha. Hindi ko rin hinayaang ifeel na babagsak talaga kasi nga diba.. "You are not in the position to score yourself." Yan talaga pinanghahawakan ko. Malay mo condi pa nga e.
Pero binigay ko na kay Lord lahat. Sabi ko, thy will be done. I am ready to fail talaga. Tanggap na tanggap ko na yun. Sino ba namang mag-eexpect sa ganung exams. Syempre yung mga topnotching aimers lalo na yung mga Summa/Magna Cum Laude etc. Eh sino ba naman amo? Cum LODI lang ako. HAHAHA
Nagtatalk na kami ng kapatid ko na kung di papalarin, sa Manila raw ako magrereview. Ayoko kasi sobrang mahal na ng gastos. Dagdag pressure lang yan. Uuwi na lang ako sa amin at doon na magrereview ulit. Pero last na lang talaga sabi ko sa sarili ko. Naeengganyo na nga ako bumili ng pang-apply na damit eh. Gusto ko na rin magtrabaho kahit di CPA.
After sa Iloilo, lumipad muna ako sa Manila. May pakpak ako eh. Hahaha Pumunta ako sa ate ko dahil igagala daw ako. May konting ipon naman raw sya. Nakakaguilty nga e. Pero nabook na e. Wala ng atrasan. Kaya ayun, nagliwaliw ako sa Manila. Kinalimutan ko na ang exam. Di ko namalayang dumating na pala ang araw ng result. Naghohope pa rin ako kahit 10%. Alam kong lalabas na ng gabing yun. Nakauwi kami galing sa gala 10PM ng gabi. Chineck ko yung PRC site. Wala pa namang result. Tinawanan ko pa sarili ko saka naawa, bat ba ako aasa? HAHAHA kaya natulog na lang ako pero ni-ring mode ko yung phone ko nagbabakasakaling may tumawag o magtext na pumasa ako. Hahahaha hays. Dagdag pasakit lang eh no. Tuluyan akong natulog nun. Nagising ako almost 2am dahil.. hindi naman tumunog phone ko hahaha. Nagising lang ako bigla. Tiningnan ko phone ko, wala akong text natanggap. Mygod. Nahihiya ako. Alam ko sa oras na yun, may result na talaga. Kinakabahan ako, asang-asa talaga ako. Binuksan ko data ko at gusto ko iconfirm talaga. Bigla namang nagpop sa msgr ang chat ng pinsan ko.
"Congrats gaw! CPA na gyud ka" (bisaya eh) Sabay send ng picture na may USE DATA.
Marami rin ngmessage kaso yung pinsan ko yung unang nakabalita.
Biglang nawala yung antok ko mga brad. Hindi ko maexplain yung emosyong tumatakbo nun. Ginising ko kapatid ko. Agad syang naiyak sa tuwa. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Pinaconfirm ko pa talaga sa kanya sa PRC site. And YES! Huhu
Isa pala ako sa pumasa T_T
Hindi talaga sya nagsink-in agad. Nababaliw ako sa kakaisip sa mga kaklase ko. Pilit ko hinahanap mga pangalan nila pero nawawala ako sa sarili ko. Yung tipong di ko na maalala kung anong surname hahanapin ko sa PRC. Tinanong ko yung isa kung sino pa pumasa, sabi nya, parang ako lang daw. Doon ako naiyak. Naiyak sa lungkot. Masaya akong pumasa pero nangingibabaw ang kalungkutan. Umiyak ako sa ate ko dahil dun. Pagkatapos nun.. Nakikita ko naman sa gc, super positive ng mga kaklase ko. Naniniwala talaga ako sa batch namin. Lalaban ulit!Sa pagpasok ko ng CR, doon na ako naiyak sa plano ni Lord sakin. Sobrang pasasalamat ko sa Kanya. Binigay niya agad sa'kin. Hindi ako makapaniwala na nakaya ko pa sa status ng utak ko. Nothing is impossible talaga.
And dun ko napatunayang,
"You are not really in the position to score yourself."Average: 75.00
Remarks: PassedNagpapasalamat,
Tres, CPA