Melissa POV.
Nakakainis na talaga yang Babaeng yan. Nakaupo Lang ako dito sa gilid ng sala habang pilit na kinakalimutan ang gutom ko.
Kainis naman kasi, sana man Lang nagluto muna siya bago naglandi. Bwisit! Na Babae.
" bwisit! Nasan na ba yang anak - anakan mo Emilda malilintikan talaga sakin yang batang yan " nang gigil sa galit na sabi ni papa, pinagtatapon na ang gamit sa kusina.
" hay! Naku fredo ubusin mo man basagin lahat ng mga gamit natin Jan sa kusina di ka pa rin mabubusog dyan " kalmadong ani ni mama na siyang naglilinis ng kanyang kuko.
Krrung
Bwisit! Nagugutom na talaga ako. Nasan na kasi yung hinayupak na Babaeng yun.
Sasabayan ko na sana si papa sa pagwawala ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto.
" nandito na po ---- " Hindi niya na naituloy ang sasabihin ng tumayo si mama at hinila ang kanyang buhok " t-tita! " ani nitong namimilipit na sa sakit at kinalagkad sa kusina.
Aw! Kawawang kristina! Tinulak at sinubsob ni mama ang mukha niya sa kaldero na walang laman.
Nakatayo Lang si papa na nakatingin sa ginagawa ni mama Kay Kristina. Tumulo na nga Luha niya pero asa siya kahit magluha pa siya ng dugo hinding Hindi lalambot si mama sakanya.
Kristina POV.
Matapos Kong nagluto ay hinihintay na Lang Sila matapos kumain para mahugasan ang pinagkainan nila.
Halos nabugbug katawan ko dahil sa Sipa at tulak na ginawa ni tita kanina. Di ko naman siya masisi kung Bakit niya nagawa yun, dahil Mali ko din naman nakalimutan Kong magluto bago pa Sila nakauwi.
NASA mall kasi Ako kasama ng kaibigan ko at di ko na namalayan ang oras.
Nahugasan ko na ang mga Plato. Papaakyat na sana ako ng inilapag ni Melissa ang basong ginamit niya sa sink in.
" may nakaligtaan ka oh " nangingiti nitong sabi na para bang nang-aasar pa.
Minabuti ko nang hugasan iyon kahit kung totoosin puwede naman niya gawin iyon iisang baso Lang di pa magawang hugasan pero kahit anong gawin ko sa huli ako pa rin ang talo.
Pagod na ako masado nang masakit katawan ko para makatanggap ng sipa, at tulak ulit.
Habang papaakyat na siya ay dinig ko pa rin ang malakas niyang tawa. Nangsisimula nanaman tumulo ng Luha ko yung tipong pakiramdam ko wala akong kakampi sa bahay na to.
Yung pakiramdam na ka pamilya ko Sila pero pinaparamdam naman nila na Hindi.
Bakit ?
Mama, papa!
Dahan dahan Kong Sinara ang pinto at napaupo sa gilid ng pinto. Yakap yakap ko ang mga tuhod ko at binaon ang mukhang ko dito.
At pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
The Book Of Itself ❤❤❤💑
General Fictionisang Babaeng mag-aaral na Mala Cinderella ang buhay, at her early age naulila sakanyang mga magulang dahil sa aksidente. dahil sa mga perang ipinamana ng kanyang mga magulang ay kinupkop siya ng kanyanh tiyahan hanggang sa maging husto ang kanyanh...