“Whuuuuut. This can’t be. This CAN’T be.”
I walked to and fro, cussing. SAN BA GALING ‘TONG BATANG ‘TO? Ni hindi sabihin sakin kahit pangalan man nya, pinapaulanan pa ako ng English words. Tangina o. Kanina pa ako nosebleed.
Tumingin ako sa batang nakaupo sa silya KO, sa harap ng lamesa KO, habang kumakain ng ice cream KO. Tssssss. He glanced up to me.
“Give me gummy bears.” Utos nya. Umangal ako. “Go fetch some for yourself.” Nagwalk-out ako – five steps lang. Bumalik kagad ako at sinamaan sya ng tingin. “Are you telling me the truth, huh? That guy on the picture can’t be your dad.”
“Give me gummy bears.”
“He’s not your dad!”
“GUMMY BEARS!”
“HE’S NOT YOUR DAD! HE CAN’T BE YOUR DAD!”
“WHEN WILL YOU GIVE ME GUMMY BEARS?!”
“AAAAAAAAH! HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA ANAK KA NYA! HINDEEEEE!” nagwala ako sa harapan nya habang sya – pakshet, tinulak ako para makadaan sya. Para makakuha sya ng gummy bears na nakalagay sa jar KO. Kumain lang sya ng kumain habang ako dito, langya nganga!
Padabog akong pumunta sa kwarto ko at binuksan ang cabinet ko. I grabbed a pack of gummy bears, gummy worms, at lahat lahat ng uri ng gummy. Gusto nya ng gummies ha. Ewan ko lang kung hindi sya maglungad ngayon! Bumalik ako sa kusina at pinaulanan sya ng mga non. Bully ako sa mga matatanda, mas bully ako sa mga bata – LALO NA SA KANYA. “HOY. Kahit sang planeta o uterus ka pa galing, hinding hindi ako makakapayag na anak ka nya. NO.”
“Whatever it is that you said, I don’t care. Just take me to him tomorrow morning. I’ll be sleeping now. Show me my room.” ABA MATINDE. Inutusan na nga ako, feeling pa nya bahay nya ang bahay KO. Alipin na nya ako for one hour already tapos maeextend pa ‘to hanggang bukas? Baka gustong maisabit sa chandelier. Tss.
Pinatulog ko sya sa kwarto KO – na pinulaan nya ng pinulaan. Kesyo masikip, cheap ang mattress ng kama ko, tambakan ng libro, amoy laway ang unan ko. Nakakahighblood grabe. “Pupulaan mo tas tutulugan mo rin naman.”
Umupo ako sa tabi ng kama at tinitigan ang mukha ng batang ‘to. Lalo lang akong naasar. Kuhang kuha nya ang hugis ng mukha ni Guji, ilong, panga, labi. Magkaiba lang sila ng kulay ng buhok. Black kasi yung kay Guji, mahogany ang kanya.
“TANGINAAAAAAAA!” sumigaw ako ng sumigaw sa bakuran. “ANG AGA MONG LUMANDI, GUJI! ANG LUPET MO GRABE! ANG LUPEEEEEEEET!” Napaupo nalang ako, mangiyak ngiyak. “NOOOOO. Hindi ako makakapayag, nooo. No no no.”
I dialed Klein’s number and he answered on the first ring. May pambungad nga kagad sa’kin. “Ano? Break na kayo?”
“Break ko ‘yang mga buto mo, ano? Tss.”
“Whatever Janella. What’s up? Past 12 na nga may drama ka pa rin?”
Pang-asar talaga ‘tong si Klein 24/7. “Sabi nyo hindi naman interesado sa babae si Guji dati ‘di ba? Di ba? Di ba? Di baaaa?”
“Until now naman. Ang totoo kasi, interesado sya sa mga pusit, hipon, seahorse. Sea creatures in general.”
BINABASA MO ANG
She's The Boss II: Stealing The Boss
HumorShe's The Boss (SECOND BOOK) The story continues with new twists, new characters, but with the same old humorous environment. Happy reading!