"Kailan ka pa dumating?"
Medyo ilang pa akong makipag-usap kay Jake, nahihiya kasi ako. Huling pagkikita kasi namin e nung fourth year high school pa kami. Hindi pa masyado maganda ang nangyaring paghihiwalay namin non. Paghihiwalay, I mean, pamamaalam.
"Kung alam mo ba, sasalubungin mo ba ako?" ngumiti sya sa'kin. I rolled my eyes at him.
"Nagpapacute ka na naman. Tigilan mo nga 'yan."
"Why? Cute naman talaga ako a." Okay fine. Hindi ka lang cute, Jake. Mas gwapo ka pa kay Guji, srly. NOOOO kill me now. But hey, it's the truth.
He placed his head on top of his palm and said, "Namiss mo ba ako?"
SOBRA, I wanna say. "Miss mo mukha mo," ininom ko nalang ang Mango shake na inorder ko. Nangangalahati na ako sa iniinom ko pero yung titig nya sakin hindi pa rin nya inaalis. I'm getting uncomfortable. "Bakit ka bumalik? Akala ko ba you'll stay there for good?"
"What if I came back for someone, will you believe it?"
Napaubo ako sa tanong nya. Napatingin ako sa kanya, saka napatawa. "Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nakakamove-on kay Nikki? ABA NAMAN –"
"Do you hear yourself?" I caught my breath and stared at his beautiful hazel brown eyes. Matagal kaming nagkatitigan ng biglang sumulpot sa tabi ko si Little Guji. Nangungulit.
"Your phone's ringing, Stupid. It annoys me," pinitik ko ang gilid ng ulo nya saka kinuha ang phone ko. Tumatawag si Guji. I answered.
"Yo –"
"WHERE THE HELL ARE YOU?! I'VE BEEN HERE AT YOUR SCHOOL FOR ABOUT AN HOUR ALREADY –"
"Kalma lang, okay? Kalma lang!" Inexcuse ko ang sarili ko kay Jake at lumabas ng resto. "Nagfoodtrip ako kasama si..." Tumingin ako kay Little Guji. Baka sakaling makakaramdam na kailangan ko ang pangalan nya at this moment. Pero imbes na sabihin ang name nya, inirapan lang ako. TSH. "Si Nikki. Hmp. Di ba nga magkagalit tayo? Bat ako magpapaalam sayo?"
"Just because I'm mad doesn't mean I don't care anymore. Nasan ka?"
"Sa Pluto, far far away –"
"JANELLA DON'T START ME."
"Fine fine fine! Gerry's." Then pinagbabaan nya ako ng phone. Wala man lang 'bye' or 'sige', basta baba lang. And that meant only one thing. Lagot na naman ako sa kanya (okay lalo na si Jake pag nakita sya ni Guji) kaya pinauwi ko na agad siya hangga't may oras pa.
"WAG KA NG MAGTANONG. BASTA UMUWI KA NA!" Pinagtutulakan ko sya palabas ng Gerry's pero ayaw nya paawat.
"Bakit ba? Ngayon na nga lang tayo nagkita, pinapauwi mo pa ako agad!"
"KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY NG MAHABA, PLEASE UMUWI KA NA."
"Maggie –"
"JAKE SIGE NA!"
"Bakit ba kasi? Maiintindihan ko naman kung ayaw mo talaga akong makita kasi hindi ka pa nakakamove-on –" sinakmal ko kagad ang bibig nyang madaldal. Ang dami dami nyang alam, sarap bugbugin!
"EEE SHUT UP!"
Nilapitan kami ng manager ng Gerry's na naguguluhan na sa aming dalawa. Para matigil na ang kaguluhan, parehas nya kaming pinalayas. Pati si Little Guji, pinalabas nya.
BINABASA MO ANG
She's The Boss II: Stealing The Boss
HumorShe's The Boss (SECOND BOOK) The story continues with new twists, new characters, but with the same old humorous environment. Happy reading!