“Where are your parents?”
At breakfast, hindi ko tinantanan ‘tong si Little Guji. Gusto ko na syang ibalik kung sang uterus sya galing. Abusado na e. More than one week na syang nandito sa bahay KO, more than one week na nyang nilalamon ang pagkain KO. Hindi pa ba sya hinahanap sa kanila?
“Where. Are. Your. Parents?!” Inis na ako nyan.
“Where are your parents?”
“Langya, don’t just throw my questions back at me, answer them!”
“If you can’t answer your own questions, how can I answer your questions? The standard of difficulty is the self. If you can’t answer, then I can’t answer.”
WHOA. Ibang klase ang pangangatwiran ng batang ‘to a, napanganga ako. Kung anong ikinatalino ng batang ‘to, syang ikinabobo ni Guji – scratch that, hindi bobo si Guji. Pang-asar ko lang ‘yon sa kanya.
I crossed my arms in front of me, challenging this kid.
“157 multiplied by itself is?” I asked him, with the answer of 24649 already in mind. Mahirap na, baka ibalik sa akin. Dapat laging handa!
“Tell me the relevance of your new question to the former,”
By that, para akong binagsakan ng malaking hollow block sa ulo. BASAG NA BASAG E. Kainis talaga sya. Ang sarap nyang itapon sa Calumpang River. “My parents are abroad. I don’t know where, but they’re just anywhere around the globe.”
“Why don’t you know? Don’t you care about them?”
“Do they care about me?” Nang marealized kung nag-uusap na kami seryoso napatingin kagad ako sa kanya, shocked. “How old are you again?”
“Eleven, why?”
Then I applauded. Naguluhan naman sya sa ginawa ko, at sa mukha nyang ‘yan kinuha ko kagad ang phone ko at kinuhanan sya ng picture. Nagreklamo sya at sinabing burahin ko raw yon. Bilang isinasabuhay ko ang sinasabi ng mga kaibigan kong pumapatol raw ako sa bata, pinagtripan ko si Little Guji. Talagang tumayo ako sa silya para lang hindi nya maabot ang phone ko – BWAHA, salbahe kang bata kaya hindi tayo click.
“You can jump all you want but you ain’t gonna get this – ACK!” Nahulog ako sa silya at napahiga ako sa sahig. Tinulak lang naman ng walanghiya ang tinutungtungan kong silya. Tangina ang sakit ng tagiliran ko! AS IN, hindi ‘to joke, masakit talaga.
Habang may pinagdaraanan ako rito, si Little Guji naman e busy sa pagbubura ng picture nya sa phone ko. Hindi ko na sya naawat kasi nga – grabe – ang sakit sakit sakit sakit ng tagiliran ko. Hoy, kahit konting awa naman dyan o, gusto ko isigaw pero hindi ko na nagawa.
Pinilit kong makaupo at nagstretching – ack, sobrang sakit. Pinilit kong tumayo at pinakita sa kanyang hindi ako nasaktan, na okay ako. Inagaw ko sa kanya ang phone ko at aktong sisipain sya, akto lang di ko tinuloy. Pinatayo ko ang silya (na talaga nga namang napakahirap kasi – ack, ang sakit.) Pagkatapos non, umupo na ulit kaming dalawa.
“So,” I bit my lower lip to divert the pain from my side to my lip. “Where are your parents?”
“Hmm. My mom died three weeks ago,” finally, some opening up is happening from him! “She sent me here to look for my dad and my brother, told me that they can take care of me from then on. Turned out, you are the one I found.”
“How did you even end up in front of our house, huh? Do I look like part of your clan? Geez,”
“I was in his car’s compartment that night. I got out when he drove you home,” nung sinasabi nya sa’kin yon, hindi sya nakatingin sa’kin. Niloloko ata ako ng batang ‘to e. Sabi nya sa’kin dalhin ko raw sya sa bahay ng tatay nya non, pero kung nanatili lang sya don sa compartment eh di sana nandun na sya. May stop over pa sa akin, bwiset. “I just need a place to stay. My brother doesn’t like me, you see?”
BINABASA MO ANG
She's The Boss II: Stealing The Boss
HumorShe's The Boss (SECOND BOOK) The story continues with new twists, new characters, but with the same old humorous environment. Happy reading!