Hindi ako makaangal.
All the while na nag-uusap sila, ang Inay at ang Tatay, nagtitigan lang kaming dalawa ni Jake. I can't believe this. I just can't believe this. I can't be married to him because I am already engaged to Guji. But of course I could not tell that to my parents now because they will get mad. I got engaged to someone they haven't met or seen even once. They will get mad.
"Mabait 'yang si Jake. Nakilatis na namin sya back in the States. Mabait, gentleman, may sense of humor..." I lost track of what my mom is saying because I just can't take my eyes off of Jake. He does too to me. How could he do this to me?
"Alam ko ho. We're friends in high school,"
"E di mas mabuti pala! Hindi ka na mahihirapan kapag ikinasal na kayong dalawa -"
"Nay, bigyan nyo ho ako ng oras para maabsorb 'to. Excuse me." I stood up and locked myself inside my room. I wanted to protest. I wanted to shout at them, make a scene, dragged Jake out of our house. But I didn't.
Hindi ako makaangal.
Pagdating sa parents ko, hindi ko kaya.
"Maj," pinigilan nya ako sa paglalakad papasok ng school. "Maj, nakakagulat noh? Biruin mo 'yon, ikakasal tayo -"
"Galing mo talagang magjoke noh? HAHAHAHA. Shet, nakakatawa ka talaga!"
"Hahahahaha! O di ba? May sense of humor talaga ako, hahahahaha!"
"Kainin mo 'yang joke mo. Tabi!" Tinulak ko sya sa tabi para walang sagabal sa lalakaran ko. Kung pwede ko lang syang dikdikin hanggang sa mawala na sya sa mundong 'to, gagawin ko. Nakakabwiset!
"Huy Maggie! Galit ka sa'kin? Anong ginawa ko sa'yo?"
"Tanga ka ba o sadyang nagtatanga-tangahan ka lang? Ikakasal tayo, tangina. TAYO. Gusto mo 'yon?!"
"O bakit? Anong problema don? Okay lang naman,"
"Okay lang naman? Well sa'kin, HINDI." Ulit, tinulak ko sya. This time, harder. With feelings. Pero hindi talaga sya paawat. He keeps on coming back in front of me to stop me from walking away from him. Gusto ata talaga nitong masaktan. "Titigilan mo 'ko o susuntukin kita?"
"Bakit kasi ayaw - ARAY!" Sinuntok ko sya sa mukha. Mapanakit akong tao, lalo na sa mga taong makukulit. Wala akong pake kung maraming nakakita basta gusto ko lang syang suntukin. "Ano yon?!"
"Tangina wag mo kong sagadin! Nakikita mo 'to?" Pinakita ko sa kanya ang singsing ko. Nanlaki muna ang mga mata nya bago kumunot ang noo nya.
"Singsing yan, o e ano?"
"Ba't sobrang tanga mo?! Ikakasal na ako sa iba, okay? So hindi tayo pwede, gago."
"Wala tayong magagawa dyan, friend. Kailangan mong makipagbreak sa kanya," tumaas ang kilay ko pagkarinig non. Napangisi ako. How could he say that to me? So casually, really? "Ikaw rin ang mahihirapan if you don't do it now."
Hindi ko na sya pinansin after that. He's unbelievable. His parents are unbelievable. My parents are unbelievable. Kung makapagfix ng marriage akala mo ang yaman yaman namin. Wala naman silang makukuha sa'min ni singko e. Isa talaga 'tong malaking joke. Nakakatawa, woo.
Pagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa labas ng room ni Lance. Astang parent here. Paanong hindi? Ang mga kalinya ko dito puro nanay. Pft. Ganda kong nanay pag nagkataon - okay alam ko, ang kapal na naman ng mukha ko. Magagawa ko? It comes naturally - okay, shut up.
BINABASA MO ANG
She's The Boss II: Stealing The Boss
HumorShe's The Boss (SECOND BOOK) The story continues with new twists, new characters, but with the same old humorous environment. Happy reading!