"This is quite uncalled for, but we hope that you'd understand."
Tulala pa rin ako hanggang sa maihatid ako ni Guji sa bahay. Nakatayo lang ako sa harapan ng gate namin, hindi umiibo. Si Guji naman e nakasandal sa kotse nya, tulala, pinaglalaruan ang susi nya. Hinarap ko sya at nginitian ng malapad.
"Coffee? We can talk about this inside," I told him. Tumingin sya sa'kin, his eyes full of unspoken questions. "Halika na,"
I walked toward him and reached for his hand. Tinanggap nya ang alok ko at sabay kaming pumasok ng bahay. Then I realized something – BWISET TALAGA.
"WAIT LANG. Dito ka lang at may aayusin lang ako sa loob!" Nagulat sya sa biglaang pagsigaw ko at pagtakbo sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko kung san nakitang kong masayang masayang naglalaro ng PSP si Little Guji at Jake. Pano sila nagkasundo?
Err, correction – si Jake lang pala ang masaya pero si Little Guji, pokerfaced as usual.
"Hi?" pagbati ni Jake sa'kin. Pero imbes na magpakafriendly, pinagtulakan ko ulit sya sa closet. Sabi ko wag syang makulit at mareklamo, pero hindi sya paawat. Dahil masyado na syang maingay, tinakpan ko na ang bibig nya at pinandilatan ng mata. "Tatahimik ka o papatayin kita?"
"Okay. Tahimik na ako,"
"Good –"
"Janella?" Napasigaw ako nang marinig ko si Guji. Nakasandal na sya ng door frame kaya naman agad kong sinarhan ang closet ko. Patay malisya agad ako. "Sinong kausap mo dyan?"
"Ha? Ah e," napatingin ako kay Little Guji, na nakatingin sa akin pero walang pakialam. "'Yung stuffed bear ko kasi hindi magkasya sa closet. Si Little – este, 'to kasing si Gino! Nilabas labas pa,"
Tinitigan ko si Guji and hoped for the best, umaasang kagatin nya ang palusot ko. At umaasang wala syang narinig na boses ng lalaki –
"Nagsasalita ba 'yung bear mo? Para kasing may narinig ako kanina," patay tayo dyan.
"Ako rin yun noh!" Nagmodulate ako ng boses, pinababaan ko para panglalaki talaga. "Okay. Tahimik na ako – oh di ba? Lalaking lalaki!"
Naglakad sya palapit sa'kin at tumigil sa harapan ko. Pinigilan kong humakbang palikod, pero napahakbang pa rin ako. Nako patay na, alam na nitong kabadong kabado ako. Aysusko, pati kamay ko nanginginig! Mula sa pagtunaw nya sakin, nilipat nya ang tingin nya sa batang nakahiga sa kama ko at busy sa paglalaro ng PSP.
"Wala ka bang balak ibalik ang batang 'yan sa pinanggalingan nya?"
"Sweetie, coffee na tayo." I clung into his arm and dragged him out of my room, out of the possible troubles na pedeng mangyari dyan. Pinaupo ko muna sya habang ako e nagtitimpla ng kape naming dalawa. Dati hindi sya nagkakape, pero simula nung ipasa sa kanya ni Grandma ang pagmamanage ng South Bound he started to live in the world of coffee. Laging puyat, laging pagod.
Maraming nagbago sa kanya at yung iba don hindi ko man lang nasubaybayan – kung pano nagsimula, anong dahilan.
We're starting to change. We're starting to age.
"One year is quite so fast. Hindi ka pa ready," he said. "At hindi ko hahayaang ipressure ka ng pamilya ko."
Pinagmamasdan ko ang reflection ko sa kape habang pinapaikot-ikot sa daliri ko ang engagement ring. Hindi ako nagsalita.
"Wag mong isipin na dahil nirequest sa'yo, gagawin mo. Hindi natin 'to gagawin kasi –" I placed a hand over his hand to shut him up. Nginitian ko sya.
BINABASA MO ANG
She's The Boss II: Stealing The Boss
HumorShe's The Boss (SECOND BOOK) The story continues with new twists, new characters, but with the same old humorous environment. Happy reading!