Chapter 5: Gwenne The Great Bitch

2 0 0
                                    

Karrine's POV

"Hey K!!!" Naiinis na tawag ni Irich sa akin. Nakatingin ako sa kawalan.

"Naku, malala na yan Rich. Ipa mental mo na yan." Rinig kong sabi ni Isko at tumawa sila ni Irich ng sabay. Mga baliw talaga. Di lang talaga ako nakamove on agad sa nangyari kahapon. Makaflashback nga.

>>Flashback<<
Karrine's POV

Mga around 8:00, nagdecide na kaming pumunta ni Irich at Chester sa E.F.S building para makipag meeting about sa gaganaping subject camp.

"Guys, excited na talaga aketch!!!" Tumitiling sabi ni Irich. Di na lang ako sumagot. And ganun din si Chester.

Napadaan kaming tatlo kung saan tumatambay ang grupo ni Gwenne the great bitch. The Great Bitch yung tawag ko sa kanya, kasi wala nang mas sasama pa sa ugali nya. She's Gwenne Daniella Martino, Gwenne for short.

She's also known as the queen bee of this school kahit hindi sya tinitingala ng mga tao as queen. Maybe she IS the queen B... QUEEN BITCH... hahaha!!!

"Hey! What's the hurry?" Nagulat ako nag humarang sya sa harap naming tatlo. Hays, epal talaga to kahit kaylan.

"None of your business." Pagtataray ni Irich. Isa pa 'to. -__-

"Wow... ang angas natin Dela Cruz ah... takot ka nga sa aso eh. Hahaha!!!" Tinulak ng malakas ni Gwenne si Irich dahilan para masubsob sa lupa. Oh my ghad! Si bestieee!!! Napatawa naman si Gwenne ganun din ang mga kasama nya. Aba't!

Tinulungan ko na lang si Irich na ngayo'y namumula ang siko at binti. Ke lakas ng pagkatulak sa kanya ni BITCH, sino bang hindi magagalusan nun? Pero bilib ako sa bestie ko ah... ang tapang! Di man lang umiyak. Yun nga lang, kung pwede lang matunaw si Gwenne sa kakatitig ng masama sa kanya ni Irich ay malamang, natunaw na yan.

"Just let us pass Gwenne." Kalmadong sabi ni Chester. Go krass!!! Suportado kita! Hahaha

"Oh! Hi babe. Babe naman, bakit ka ba sumasama sama jan sa mga babaeng yan? They're low class like eww..." sabi ni Bitch at umarteng nadidirian. Ay waw! Ang arte. Sobra pa nga sa kapre yung mukha sa kakapal ng make up eh.

Tsaka BABE?! huy! Di baboy yung crush ko! Gaga ka! Sabunutan kita jan eh. Gusto mo pa ata ng malutong na suntok! Hindi mo pag aari si Chester KO noh! Akin lang sya! Akin! (Author: Hehe, walang sa'yo karrina...) oh shut up author. Nag gagagahan na kami dito eh. Istress ang beauty ko dito!!!

"Maka low class ka... ikaw? High ka ba? Mataas ka ba? Sa bagay, mukha ka namang kapre kaya acceptable sa'yo maging HIGH... HIGHYUP gets?! HIGHYUP means ANIMAL! Di ka bagay dito, maldita ka!" Naiinis kong sigaw sa kanya.

"Aba't! You bitch! Sumasagot sagot ka na sa Queen bee ng school na 'to?!" Sabi nya at sinugod ako. Ghad! Di ako marunong makipag away. Oo, marunong ako makipag insultuhan at makipag murahan pero sa salita lang ako magaling! Di ako magaling makipag away physically!!! Omo!!! What to do?!

Sinabunutan nya ako ng sobrang pagkalakas lakas. Huhu! Iiyak na ako dito!!! Oo inaawat sya nina Chester pero hindi talaga maawat ang gaga! Parang makakalbo ako ngayong araw na 'to ah. Jusko! Ang buhok ko!!! Huhu, tanggap ko na para akong manang sa itchura ko pero hindi pa rin yun sapat na dahilan para makalbo ako!

"Ano pakiramdam masabunutan? Ha?! You bitch!!!" Nagagalit at naiinis na sigaw nya sa akin.

Mahahaba at matutulis ang kuko ng bruha kaya, nasugatan ang mukha ko. Waaaah! Wag ang mukha ko!!!

Anonymous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon