Chapter 9: That Kid

1 0 0
                                    

Keoff's POV

"Bro!" Tawag ng isang boses sa akin. Liningon ko ito. Si Nathan pala.

"Oh, andito ka pala." Sabi ko at hindi sya tinapunan ng pansin

I'm busy studying for the contest. I know na essay lang yun, at madaling gawin pero hindi ko pa rin maiwasang magbasa. Tsaka dagdag naman yun sa mga nalaman ko.

"Hey, study na naman? Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo? Laging mukmok sa libro, kakabasa ng ano ano..." nayayamot na tanong nya.

Hays, etong bestfriend ko talaga. Alam naman nya yung hilig ko eh, pakikialaman pa ako.

"Shut up bro, concentrating here." Sabi ko.

"Hays, ikaw bahala." Sabi nya at umalis na lang.

"Guys, anjan na si Ma'am Paladino." Sabi ng isa sa mga classmate ko.

"Good morning Class." Sabi ni Ma'am Paladino.

"Good morning Ma'am" ganti namin sa kanya.

"Please take your seats" sabi nya at umupo naman kami.

"Mr. Advincula? Don't you have a practice today with Mr. Apolinario?" Tanong ni Ma'am Paladino. Ay! Nakalimutan ko pala.

"A-ahh, oo nga pala. S-sige Ma'am, thanks for the remind." Sabi ko at umalis na.

***

Pagdating ko sa office ni Sir Apolinario, nakita kong nakahanda na pala ang mga gamit ko sa pag sulat ng essay.

"Good morning Sir." Sabi ko at ngumiti sya sa akin.

"Actually, you're a bit early Mr. Advincula but that's good. The earlier you start, the earlier we'll finish." Sabi nya sa akin.

Umupo na ako sa lamesang hinandaan nya ng mga gamit ko.

"Uhm, excuse me Sir?" Nakalimutan kong itanong sa kanya ang topic ko.

"Yes?" Tanong ni Sir Apolinario.

"Ano pong topic ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, yes... I totally forgot. Your topic is about love." Sabi nya.

"Sige po Sir. Thanks." Balik kong sabi at nag umpisa nang sumulat.

"I'll go buy our snack so you won't be disturbed by just buying our food. If you need anything else, just wait for me." Sabi nya at umalis na.

Nag simula na ako. But first, nag isip muna ako syempre.

Love? Love...

Ano kayang magandang iintro?

Hindi pa naman kasi ako nakakaranas ng love na yan eh.

Anu nga ba?

Search muna ako sa-

Te-teka... bakit parang may pumapasok sa isip ko?

Flashback《

"Hi! Ako nga pala si Yzile. Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng isang bata.

Maganda sya, with chubby cheeks, maputi sya, and has an angelic voice and face. Tsaka mukha syang mabait. Pero hindi ko talaga ugaling makipag kaibigan kahit kanino lalo na kapag nagbabasa ako.

"Joseph..." maikling pahayag ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Ay? Anung ginagawa mo? Nagbabasa ka ba?" Tanong nya kaya nayamot ako.

"Hey, I'm reading here. Don't you see? And don't you know that you're disturbing me?" Naiinis at cold kong sabi sa kanya kaya napaluha sya.

"*sniff* G-gusto ko lang naman kasi makipag kaibigan. Ni wala nga a-akong kaibigan di-dito eh." Sabi nya. Hala! Umiyak sya. Anung gagawin ko?

Anonymous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon