Chapter 1: Dakilang Hugotera ng Bayan

12 1 0
                                    

Author's POV

Si Author na lang muna ang magnanarrate ng story ah... mukhang wala pa sa katinuan itong si Karrine. Lasing ata ang babaeng to. (Conscience: hmff! Character mo kaya yan. Edi sayo nagmana! XD) psst! Konsensya, manahimik ka na nga lang jan! Dadagdag ka pa eh. (Conscience: oo na nga po. *sound of zipper*) good... now back to the story...

"Alam mo krass, fara kang shticker. Nakadeket ka na yata sha eshefan ko. BOOM! HAHAHAHAHA!!!" Pagewang gewang na sabi ni Karrine habang humahalakhak ng malakas.

Sya si Karrine Yzile Rodriguez, 15, philippines! Hehe joke... peaaace... 3rd year high school sa Forden Academy. Pero walang magic chuchu ah. Forden academy is a regular high school.

"Oy oy oy... tama na yan Karrine ah... nakakarami ka na ng inom. Sige guys, magsitulog na kayo. Bukas nalang natin iligpit to." Sabi naman ni Irich, ang bestfriend ni Karrine na laging nakabantay sa kanya.

Parang nanay ni Karrine si Irich, panu ba naman, palagi itong may pabaong words of wisdom sa kanya. At ang mas malala pa, mas ultimo nanay pa yata kung mag act si Irich kesa sa totoong nanay ni Karrine eh. Ang oa kasi lagi.

"Eekaw Irits ah... yaan mo na nga ako." Pagmamaktol ni Karrine at sinampal sampal ng mahina si Irich sa kamay.

"Ayaw mo talaga? Isusumbong kita kay Chester!" Sigaw ni Irich sa kaibigan.

Nanlaki naman ang mata ni Karrine at bigla itong natauhan. Kung kanina'y lasing na lasing sya, ngayon naman ay parang nagising sya sa kanyang lasing na diwa.

"Oy friend... hehe...oo na po. Matutulog na po ako. Good night." Parang tutang sabi ni Karrine at humiga sa kama nya. Wala eh... diretso tulog. Wala nang bihis bihis pa, may katulong naman sila eh.

Mayaman kaya sila. Kaso etong si Karrine, parang tambay kung umakto. Kala mo walang pera lagi, akalain mo simple lang syang manamit. Oo nga nakauniform sila school nila pero parang madre naman sya sa kahaba haba ng palda at blouse nya.

At gusto pa nyang mapansin sya ni Chester. Pano sya mapapansin ni Chester kung ganyan sya manamit? Parang manang. Kaso malay mo, type din sya ni Chester. TYPE GAHASAIN... XD hahaha sorry po... ang bad ko talaga.

Back to the story. Ah... a while ago, diba parang nagulat sya nang marinig ang pangalan ni Chester? Eh, crush nya yun eh. Ayaw lang nyang umamin dito kay Chester. Ewan ko kung bakit. Hahaha.

So, dahil sa pagod ni Irich, nakatulog sya agad nang hindi rin nagbibihis. Kaya ayan sila sa kwarto ni Karrine, parang mga basurang nakatambak. Ambabaho at ang dudumi. Makalat pa. Tsk tsk tsk! Mga bata naman oh... okey since tulog na sila, tulog na rin ako. Gud night... mwahhh. Ps: pagkagising ni Karrine, diretso POV na nya.

*************

Karrine's POV

Paggising ko, napapikit at napangiwi ako sa sakit ng ulo ko. Sheyts, hangover ba 'to? Sobra naman ata? Konti lang naman yung ininom ko kagabi ah. Tss... bukas pa naman ang pasok kaya, okay lang na malate ako ng gising.

Tumingin ako sa kabilang side ko at nagulat ako nang nawala na ang mga kalat na nakahilera kagabi sa sahig ng kwarto ko. Ang linis na ng sahig pati ng table ko. Himala! Naglinis sila. Kadalasan kasi, kapag nag oovernight yung mga baliw kong kabarkada dito sa bahay, ang mga kasambahay namin lagi ang nagliligpit ng mga basura nung mga nun. Ngayon naman ay nagtataka ako sa inasal nila. Tsk! Yaan na nga. Malay ko ba nagbago na yung mga yun.

Tok tok tok...

Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tatlong mahihinang katok ng katulong namin. Oo KATULONG, ayoko nang word na MAID bakit? Kasi ayokong maging harsh masyado sa kanila. Isipin nyo, kung wala sila, tambak ang gawaing bahay dito sa bahay nuh.

Anonymous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon