"Snow! Wake up!" Napamulat ako sa sigaw ng isa kong Kuya at sa malakas na katok sa pintuan ko. Aga-aga, makabulabog.
I groaned in frustration. Tinakpan ko ang tainga ko gamit ang unan at muling natulog. Pero bago pa ako makapikit ulit ay nakasigaw nanaman siya. Katok lang siya ng katok para magising na ko.
"Snow! Gising na! Late ka nanaman eh!" Padabog akong tumayo at kumuha ng tuwalya saka dumiretso sa banyo. Sigurado akong narinig ni Kuya ang pagsara ng pintuan ng banyo ko dahil tumigil na siya sa pagkatok. Ganoon naman kami araw-araw.
Right. Nakalimutan ko magpakilala. My name is Snow White, I'm turning 18 and I have seven brothers. Funny coincidence, right?
Pagtapos ko maligo ay nagpalit na agad. Nagmadali akong bumaba at bumungad sakin sina Kuya Karson, Kyler at Kendahl, my older brothers na triplets, and my brothers by blood. Ang lapad ng ngiti nila bago sinabing, 'Surprise!'
Napatalon ako sa tuwa. After a year ay nakita ko na ulit sila! Lagi kasi silang nasa London kasama si Papa. Kahit miss na miss ko na sila, minsan lang kami nagkikita dahil once a year lang sila pinapayagang bumisita dito sa Pilipinas.
"Snow! Namiss ka namin!" Tanong ni Kuya Karson, ang tahimik, usually, pero napakatalino kong kuya. Ngumiti ako bago sumagot.
"Ayos lang. Namiss ko kayo!" Niyakap ko siya bago lumingon kay Kuya Kyler. Nginitian lang ako ni Kuya, hindi kasi siya nagsasalita, well, simula nung namatay si Mama. Niyakap ko rin ng mahgpit si Kuya na nakapagpatawa sa kanya ng mahina.
"Ako, walang hug?" Tanong ni Kuya Kendahl na mukhang inaantok pa. Pero lagi naman siyang inaantok. I hugged him tight and he hugged me back. Sobrang namiss ko sila.
"Halina kayo! Kakain na tayo!" Narinig kong sigaw ni Kuya Raph mula sa kusina. He's the oldest sa aming magkakapatid. Seryoso siya sa maraming bagay at pinakaresponsable sa aming lahat. Kaya nga lagi niya kong ginigising dahil lagi akong tinatamad pag umaga. And he's quite the lover.
"Tara na. Namiss ko na yung pagkain na luto ni Kuya Raph!" Tuwang-tuwang sabi ni Kuya Kendahl. Kung hindi kasi siya laging tulog, lagi siya nasa kusina, patay gutom yan eh!
Nakaupo na si Kuya Lyle at Kuya Blake at handa na kumain. Si Kuya Lyle yung pangatlo at si Kuya Blake naman ang pangapat sa amin. Parehas silang masiyahin. Pero si Kuya Blake, ibang level. Hyper masyado. But he's the nicest of all the brother's I have.
Naupo na kami habang naghahain pa si Kuya Raph.
"Asan na si Dahze?" Tanong niya sa aming lahat. Bigla naman pumasok si Kuya Dahze na kakagising lang. At sa lahat, siya ang masungit. Pero alam namin na mahal na mahal niya kami. He's the most overprotective sa mga kuya ko. At siya ang pinaka masamang magalit. He's also a ruthless player. But he's nice. Really.
Natapos si Kuya maghain at kumain na kaming lahat. Nagkwentuhan lang kaming lahat hanggang sa di ko na namalayan ang oras.
"Hala! Late na ko!" Napatayo ako at akmang tatakbo na palabas ng bahay.
"Hatid ka na namin!" Tuwang sigaw ni Kuya Blake.
"Talaga?" Tanong ko na nagtataka dahil balak nilang lahat ihatid ako. Sabay-sabay silang tumungo.
Bago lumabas ng bahay ay tinitigan ko ang dalawang litrato ng babae sa sala namin. They're both my mom, though both of them haven't seen me nor have I seen them in flesh. They're gone now. The first one is Mommy Leeana Rayne White. Siya yung mommy nina Kuya Raph hanggang kay Kuya Blake. At ang Mommy namin ng triplets kong kuya ay si Mommy Clarisse Renaldi White. Hindi ko man talaga kadugo si Mommy Leeana, gusto ko siya at nagpapasalamat ako na dahil sa kaniya, mayron akong mababait at mapagmahal na kapatid.
"Kuya, hanggang kailan kayo magstay dito?" Tanong ko kay Kuya Kendahl. Lumingon siya sakin at ngumiti. Ang gwapo lang ng kuya ko. Lahat pala ng Kuya ko.
"Hanggang birthday mo!" Masiyang sabi niya sakin na ikinagulat ko. I chuckled when I remembered that I thought that maybe they won't be here to celebrate my birthday again like they did before.
"Eh, diba months pa yun from now? Pinayagan kayo ni Daddy magstay ng matagal?" Tanong ko naman. Usually, Dad lets them stay for 2-3 weeks.
"Well, he did." Bored na sagot niya. It's weird though. Really weird.
Nakarating kami sa school ng mapayapa. Hindi kasi nangasar ng kung sino si Kuya Blake. Kaso pag tinopak siya, gumugulo ang buhay.
"Umuwi ka ng maaga! Bawal maggala ah! Uuwi muna!"
"Kumain ka ng ayos." Bilin ni Kuya Ken.
"Wag kang lalapit sa kung sinong hindi mo naman kakilala." Sabi ni Kuya Raph.
"Don't talk to strangers. Sabihin mo lang kung may manggulo sayo ah!"
"Bawal ka pa makipagdate. Kahit lumapit sa mga lalaki. Alam mo ang gagawin ko, Snow." Sa lahat ng nagbilin. Si Kuya Dahze talaga ang nakakatakot.
Nagpaalam na ako sa kanila at hinanap si August. August Bernadette Celiz, my bestfriend. She's pretty and smart and elegant? Well, not so much. Akala lang nila yun. Nakita kong pinagkakaguluhan nanaman siya sa corridor. ang ingay ng mga tao. August dito. August dun. Mga fans at haters nagbubulong bulungan. Tinapik ko si August sa balikat.
"August!" Masayang bati ko sa kanya na malapad ang ngiti. Nadagdagan naman ang ingay sa paligid. Pinaguusapan na din ako. Ewan ko ba. Simula ng maging kaibigan ko tong si August at nalaman nila ang background ko, lalo na ang tungkol sa mga kapatid ko, pinaguusapan nadin ako. Pahamak tong babaeng to eh. Kulit niya kasi. Nakita tuloy nila ang picture namin ni Kuya Raph at nalaman nilang isa akong White.
"Snow!" Nagulat niyang bati sakin. Natawa na lang ako sa itsura niya.
"Ang sama mo." Nakangiti niyang sabi sakin na tinatago ang inis. Pero kilala ko na yan. Bata pa lang kaibigan ko na yan. Nagkakilala kami dito sa Pilipinas dahil sa family business. Anak kasi siya ng pinakamayamang asian businessman worldwide. At dahil strict ang papa niya, lalo na sa paguphold ng image nila, madalas nakamaskara si August. Hindi siya pwedeng magpadalos dalos sa kilos niya, kailangan pa na siya ang pinakamagaling sa klase. Pero siya naman talaga. Ewan ko ba kay Tito, masyadong nakakatakot.
Ngumiti lang ako para mainis siya lalo. Sigurado akong gusto niya na akong batukan. Hindi niya lang magawa. "Tara na. Malalate na tayo sa first subject natin." Tumawa ko para maasar pa siya.
"Late ka naman kasi lagi dumating eh! Pati ako madadamay!" Naiinis niyang sabi na tinawanan ko lang.
"Hindi naman ako gaano late ngayon kasi hinatid ako nina Kuya." I was skipping while walking. Masaya lang talaga ko na kumpleto kami ngayon.
"Andito ba sina Kuya Kendahl? Natalon ka lang naman..." Pinutol ko ang pagsasalita niya ng humarap ako sa kanya at tumango. She smiled cooly at me. Kahit may pagkakulit siya, when she smiles like that, even I warms up. Masaya ako na nakilala ko siya.
Bago matapos ang klase nagpaalam si August sakin na mauuna siya dahil hinahanap na siya ni Tito. Probably business party iyon. Hindi siya pwede mawala doon dahil siya ang tagapagmana.
Tinext ako nina Kuya na susunduin daw nila ko dahil may pupuntahan raw kami. Naglalakad na ko palabas ng building ng may humila sa akin at bigla akong hinalikan. Natulala ako at nanlaki ang mata. Sinubukan kong itulak siya pero hindi siya nagalaw. Diniinan niya pa ang paghalik sakin ng biglang may humila sa kaniya at narinig ko ang isang malakas na sampal.
"Walanghiya ka Andrei!" Sigaw ng babae saka tumakbo paalis na umiiyak. Hinawakan nung lalaki sa harap ko ang pisngi niya bago humarap sakin.
"Hi!" Bumungad sakin ang maputi niyang ngipin, malapad na ngiti, at napakagwapong mukha.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makapagsalita. Anong nangyayari?!!
BINABASA MO ANG
Snow White
Romance"The bitterest truth is better than the sweetest lies." ©WitchyMarsians™