Chapter 3

70 10 0
                                    

Humiwalay ata ang kaluluwa ko sa katwan ko. I stared at the handsome face before me. What the?! Anong nangyari?! Paanong-?! Yung first kiss ko!!!!

"Hi! I'm Andrei!" lumawak lalo ang ngiti niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ni hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. Nanginginig ako na ewan. Walang hiya 'to! Yung pinakaiingatan kong first kiss!

"Let me guess. First kiss mo no?" nangaasar na sabi niya. Ako naman ay nandoon lang nakatayo, nanigas na ata katawan ko! Ay! Wala na nga ata kaluluwa ko dun!

Bull-!! Yun lang ang masasabi ko! Yung labi ko, dinumihan ng katulad niya. Mga playboy pa! Oh bakit!

"Heeeey!" he waved his hand before me. Wala pa rin akong imik. Until I felt his lips again. His warm, warm lips. Parang ang sarap sa pakiramdam. His kisses went deeper.


Nabalik ako sa katuturan at sinampal siya ng malakas. "Ikaw! Uwaaah! Letse ka, gago!" saka ako tumakbo.


"Snow!" narinig kong tawag niya. Waaait! Hindi niya ko kilala. And hindi niya ko tinawag no!


"Snooow! Huy!" nakita ko na lang si Kuya Blake sa harap ko. Oo nga pala. Nakain kami dito sa isa sa sikat na bulalohan sa Tagaytay pero kung saan-saan nalipad ang utak ko.


"Ikaw Snow ahhh. Lalaki iniisip mo no!" tatawa-tawang asar ni Kuya Blake. Namula ko pero nawala agad yun ng mapuno ang private room na kinaroroonan namin ng dark aura ni Kuya Dahze. "Hala ka, Kuya Blake."


"Oh! Ah! Dahze, joke lang naman. Yan pa si Snow, walang magtatangka jan. Malakas pa yan sa akin eh. Ha-ha." hirap na pageexplain ni Kuya. Hindi naman nawala ang masamang aura ni Kuya Dahze. He's still frowning.


"You still owe me something, douchebag." tumayo siya. "Uhm... bye?" sabay takbo naman ni Kuya Blake. They ran around the room at nagtawanan na lang kami. Minsan naman ay lumalabas ang pagkakulit ni Kuya Dahze dahil kay Kuya Blake. Minsan minsan lang nalabas yan, pero ibig sabihin nun, he's calm.

"So Snow, how's your day? May nangyari ba?" seryosong tanong ni Kuya Ralph. Nanigas naman ako sa naalala ko at nauutal na sumagot, "Uhh. Wala."


"You sure?" he eyed me suspiciously.


  "Yep. Nothing new." I asnwered, or lied, after composing myself.


Then silence fell. Baka lalo nila mahalata kaya naman nagsalita na ko, "Uhm, Kuya Kendahl, nagkita kami ni August kanina."

I smirked. Medyo nagmana ko kay Kuya Blake. Nabilaukan ang Kuya ko na sige sa lantak. Takaw takaw, baboy ata siya.


"Crush mo pa din?" Naglingunan naman lahat. Pati si Kuya Blake na binubugbog na ni Kuya Dahze.


"Snow! Sabi mo-!" namula naman siya. Umamin kasi siya nung huli kami nagkita na type niya si August. Tawa ko ng tawa, "Namumula ka kamo!"

Snow WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon