Chapter 5

36 2 0
                                    

"Snoooow! Nahanap din kita sa wakas." Nakita kong natakbo papunta sakin si August. Galing siya sa direksyon na pinuntahan ni Andrei. Nakasalubong niya kaya?


Kinawayan niya ko at ngumiti. Kumaway ako pabalik.


Nagtanong siya agad paglapit sakin, "Kamusta? Namumula ka ata. May sakit ka ba? Papunta kang clinic?" Sunod sunod nanaman niyang tanong. Wala talagang preno to!


"Huminga ka naman muna!" Sabi ko sa kanya. "Hehe." Sabay pacute. Tadyakan ko kaya to? Sakin pa nagpacute.


"May nakasalubong ka bang mukhang rapist?" Diretsong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa direksyong pinanggalingan niya.


"Na... Narape ka?!!!!!"Sigaw niya na nagecho sa buong school namin.


Binatukan ko siya ng malakas. "Nakakahiya kang babae ka. Engot! Kung narape ako, tingin mo andito ako ngayon!" Binatukan ko ulit siya. She pouted and touched her head.


"Ouch bestfriend. It huuuurts." Reklamo niya. "Baliw ka kasi." Inirapan ko siya.


"Ikaw kaya, weird mo magtanong! Hmph." Inirapan niya din ako.


"Tara na nga baka makita pa natin yung pangit na Jerico na yon. Maiinis lang ako lalo."


Pauwi na kami ni August ng maisipan naming dumaan sa park.


"Lagi tayo dito noon." Natatawang sabi ni August habang paupo kami sa swing.


"Tayo nga lang magkasama lagi, ni wala tayong ibang kaibigan." Nagsimula kong iswing ang inuupuan ko.


"Si kuya ice cream, andito pa din. Gusto mo?" Excited na tanong niya. Tumango ako at tumakbo na siya papunta sa nagtitinda ng sorbetes.


"You're really making me like you. A lot.  " Nagecho nanaman ang boses niya sa utak ko. Paulit ulit!


Tumingala ako at pumikit. "Peste kang bwisit kang gago kang magnanakaw ng halik!" Sigaw ko. Siguradong di naman ako maririnig ni August dahil malayo siya.


"Woah. Easy ka lang."


"Ay kabute!" Nagulat ako ng may babae na sa harapan ko. Sino naman tong kabute na to. She looked pretty in her white dress. Kaso pag tinignan mo yung mukha, mukhang mangangain ng tao.


"Sa ganda kong to? Kabute? Grabe ka, girl." She flipped her hair sideways and stood straight in front of me. "I'm Sunako." She grinned and crossed her arms. Ang ganda ng tindig niya sa harap ko. Hindi yung mayabang, pero yung parang confident.

Snow WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon