Chapter 2

131 11 0
                                    

Peter Lyle's POV

"Do I really have to come?" iritang tanong ni Dahze kay Kuya Ralph habang nakadapa sa sofa.

"When I asked everyone to come, that means you are also coming." -Kuya Ralph


Kanina pa kasi nagtatalo ang dalawang ipis na yan. Si Kuya Ralph kasi gusto kasama padin kami sa pagsundo kay Snow sa University. Sakin okay lang ewan ko dun sa iba.


"Yow! Yow! Anong kaguluhan ang nagaganap dito?" sabi naman ni Blake habang naglalakad papalapit sa sala kung saan kami nandoong tatlo nila Kuya Ralph, yung triplets kasi natutulog. Jetlag pa yung mga yun eh! Excited na makita si bunso, kaya pagdating na pagdating nila kanina hindi na sila natulog at hinintay magising si Snow.


Nagkibit balikat lang ako at nginuso si Dahze na nakahiga pa din sa sofa at halatang ayaw talagang sumama.  "Hey brotha! Tabi tabi! Uupo ako." pangungulit ni Blake. Hindi pa din siya pinansin ni Dahze.


Tumayo na si Kuya Ralph sa upuan. "Tss. You really wanna upset Snow? Then fine," Naglakad na siya palapit sa hagdan. "Gigisingin ko lang yung  kambal." dugtong pa nito at tuluyan ng umakyat sa 2nd floor ng bahay.


"Magbibihis na ako Blake, hayaan mo na siya." tumayo na din ako at aalis na sana ng pigilan ako ni Blake. Tinaas baba niya ang kilay niya at pinagkikiskis ang dalawang kamay na parang demonyong may pinaplanong masama.


Napangiti ako. Ayan na ang Katol Ranger, patay ka Dahze. "Game?" sabi pa niya habang tumatawa na para bang kontrabida sa drama. Baliw talaga!


"Oo na! Oo na!" natatawang sagot ko sa kanya.


"Ikaw sa paa! Ako sa kamay!" pumunta siya sa tapat ni Dahze at akmang bubuhatin na ito. "Teka lang!" pigil ko sa kanya. "Bakit?" nagtatakang tanong niya.


"Bubuhatin natin siya?" O_O;


"Malamang sa alamang. Ayaw bumangon eh! Sundin mo na lang ako." pangugumbinsi pa niya.


"Bahala na nga." pumwesto na din ako at binuhat na si Dahze. Takte! Ang bigat!


 "Ano saan natin 'to dadalhin?" tanong ko.


Di niya ako pinansin, binaba niya saglit si Dahze. Bale ako na lang may hawak sa kanya ngayon.

"Hoy Blake! Ano 'to?" pumunta siya sa labas ng bahay,  matapos ang kinse segundo ay bumalik din agad ito at iniwang nakabukas ang front door.


 "Ready na!" nakathumbs up na sagot nito.


Ready na daw? Yung ano?


"Bilisan mo, bago pa talaga magising yan." sabi ni Blake. Pumunta na ulit siya sa pwesto niya. He leaded the way outside the garden--- the hell?! What are we doing here?!!!

Snow WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon