Thirty Two

216 12 0
                                        

VENIZZE

Buti nalang pinayagan ako ni Mrs. Kim na umalis saglit sa retreat house. I promised her to be back at exactly 1pm kaya sana makabalik ako ng on time kasi baka pagalitan niya ako.

Now, nandito na ako sa cemetery. Medyo matagal na rin akong hindi nakakabisita kay Liam kasi ayokong umiyak. Kapag kasi bumibisita ako sakanya dito lagi akong umiiyak at may problema... ayan kagaya ngayon.

I bought a flower and a candle for him.

"Uy, Liam." I said as I arrived. "Pasensya ka na ah? Ngayon lang ako nakabisita sayo. At oo tama ka, may drama nanaman ako sayo."

Umiling ako ng marahan. Lumamig bigla ah. Now I know he's here. Nakikinig siya sa akin.

Nilapag ko muna ang bulaklak sa tabi ng kanyang lapida.

Hay, nakakakamiss ka talaga Liam.

"Liam, alam mo naman na ikaw pa rin ang pinaka mahalagang tao sa akin maliban kila mommy, daddy at kuya Hyunbin diba?" I asked him then I smiled "Pero hindi ko kasi maintindihan sarili ko bakit kapag kasama ko siya my heart beat is not normal,"

"Alam mo yon? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito kasi yung naramdaman ko dati sayo. Kapag kasama kita dati lagi akong kinakabahan saka yung heart beat ko bumibilis yung tibok,"

"Liam, diba sinabi ko sayo dati na gusto kita? Before yun ng birthday ko. Pero Liam... di ko alam bakit nararamdaman ko ulit 'to at kay Jihoon naman ngayon."

I sighed a little. Mas lalong lumamig.

"Uy, Liam. Nagseselos ka ba? Mali ba ako? Sinubukan ko naman na pigilan eh. Pero nasasaktan ako nang iwasan niya ako kanina. Nasasaktan ako nung iniwan niya ako kagabi,"

"Mahal ko na ba siya? Liam, okay lang ba sayo na may mahal na akong iba? Liam, best friend naman kita diba? Okay lang ba sayo?"

Yumuko ako. I know hindi siya makakasagot dahil wala na nga siya eh.

Nagulat ako nang bigla nalang may lumapit sa akin na isang matanda. I can recognize her. Siya yung laging binibigyan ni Liam ng pagkain dati kapag bumibisita kami dito sa cemetery kasi dito din nilibing ang lolo't lola niya.

"Oh hija, ngayon nalang kita ulit nakita na binisita mo si Liam," she said at ngumiti lang ako "Kung ano man yang sinabi mo sakanya tiyak ako na okay lang yon kay Liam."

I got curious "Paano naman po kayo nakakasigurado na okay lang yun sakanya?"

"Sigurado ako na ayaw ng best friend mo na malungkot ka. Ayaw niyang makita na hindi ka masaya ng dahil sakanya." wika ni lola.

"La, thank you po." I said then she just smile at iniwan na niya muna ulit ako dito para kausapin pa si Liam.

"Uy, Liam. Grabe ka talaga. Si Lola pa talaga ginawa mong way ah? Tsk. Alam mo ba miss na kita. Miss na miss. Sana nga okay lang sayo. Wag kang magseselos ah? Ikaw pa rin naman ang best friend ko na love na love ko."

Lumamig nanaman. "Oy hokage ka. Niyayakap mo ba ako?" naramdaman ko na mas naging warm nang sabihin ko iyon "Tsk hokage nga haha. Oh sya. Sige mag-stay muna ako dito ah? Mamaya na ako aalis. Bonding muna tayo."

I stayed there for about 1 hour. Nalahiga lang ako sa tabi niya. Nagkukwento lang ako sa mga nangyari sa akin sa mga nakaraang araw.

"Uy Liam. 11:30 na pala. Kailangan ko na bumalik sa retreat house. Sorry ah? Ang bilis ko lang nagstay dito. Sa susunod promise ko sayo mas matagal tayo magbobonding."

After I said my goodbye to my best friend nagulat ako nang makita ko si Samuel na nasa likod ko.

"Uy, Sam. Bakit ka nandito?"

"Sinusundo ka." He casually said.

"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" I asked.

"Sinundan kita kanina. Si mommy kasi eh." Nahihiyang wika ni Samuel

Tumango naman ako "Naku, si tita talaga. Sinabi ko naman na dito lang ako pupunta. Pero thank you na rin sa pagsundo sakin."

He just smiled and then bumalik na kami sa retreat house.

Lost | Park JihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon