Thirty Eight

206 8 29
                                    

VENIZZE

Hindi ko alam paano ako nakatulog ng maayos kagabi pagkatapos ko iyon narinig mula sakanya. Hindi ko alam kung paano ko nagawang maging masaya para sakanya kahit na alam kong nalulungkot talaga ako dahil dapat ako yon eh. Ako dapat ang nasa posisyon ni Althea.

"I like Althea that much that I myself want to marry her." napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon habang nakatingin sa akin.

"Kuya? Ano ba yang sinasabi mo?! Baliw ka na ba?" Inis na wika ni Kyra. Pinipigilan siya ni Sohye pero nagpupumilit si Kyra at halatang-halata na naiinis siya sa inaasta ng kanyang kuya

"Siguro nga. Siguro nga baliw na baliw na ako kay Althea," he said still looking at me and then he laughed for awhile "She's the one for me." He added.

"Uy, Ji. Ano ba yang sinasabi mo. Nakakahiya uy." wika ni Althea at pinalo pa niya ng marahan ang braso ni Jihoon.

Ji? Yun ang tawag ko sakanya ah. Why did he allow that girl to call him the nickname I give him?

Napakunot ako ng noo. Bakit parang may luhang nagbabadyang lumabas mula sa aking mata?

Di ko na ata kayang makita ang nakikita ko ngayon. Pwede bang fast forward nalang? Or pwede bang i-pause ko nalang muna ang nangyayari at pagkatapos umiyak nalang muna ako at i-play ko ulit pagkatapos ko magdalamhati?

"Ji ang tawag mo kay Jihoon?" nagtatakang tanong ni Woojin. He know I call Jihoon "Ji" kaya siguro nagreact siya.

Tumango naman yung babae at nagsalita "Yes. Sabi niya okay lang naman daw na yun ang itawag ko sakanya eh."

"Don't you know na yun ang tawag ni Venizze sakanya?" Woojin asked again.

"No. Saka pwede namang Jihoon nalang tawag niya kay Ji since it would be awkward if Venizze will call my fiancé the same way I call him."

I just closed my eyes for awhile at saka huminga ng malalim.

Ate girl, kung alam mo lang... ako ang unang tumawag sakanya ng Ji at hindi ikaw. Nauna akong magbigay sakanya ng nickname na yon hindi ikaw.

Madami akong gustong sabihin pero natameme lang ako. Hindi ko alam bakit...

"She called him 'Ji' first dear." Sohye said at para bang sumama pa ang tingin ni Jihoon kay Sohye

"Venizze, can you just don't call me Ji again 'cause it would be disrespectful to my fiancé." Jihoon suddenly said while looking straight into my eyes.

"I...I don't know." yun lamang ang nasabi ko.

"Hay nako. Tigilan niyo na nga yan. Basta bukas ang engagement party. I'm expecting you all to be here at 6pm." wika ng mommy ni Jihoon kaya hindi na kami pang nagsalita

I sighed. Di ko na alam gagawin ko.

Engagement party mamaya? Pwede bang di nalang ako sumama?

"Ate," napalingon ako sa tabi ko at si Kyra iyon. Kakagising lang niya.

"Oh, bakit?" I asked her pero wala na siyang ibang sinabi kundi niyakap nalang niya ako.

Lost | Park JihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon