1st Fall

27.5K 348 19
                                    

1st Fall
Cellphone



Mom..

Nakatitig lamang ako sa cellphone ko habang nagriring ito. Hindi ko ginagalaw ang phone ko at tinititigan lamang ito.

"Agatha, answer your phone." Melannie, my classmate, said to me.

"Sorry." Sabi ko.

Naggagawa kasi kami ng project sa isang subject. Sa bahay sana nang isang ka-group namin gagawin ito pero dahil sa akin ay napagpasiyahan namin na rito na lang sa campus gawin.

Alam nila na sobrang strict ng parents ko. Alam din nila na never ako papayagan na pumunta kung saan saan except the school.

"Mom?" Mahinang tanong ko sa aking telepono.

Lumabas ako sa room na pinaggagawan namin ng project. Ayoko na makaabala sa kanila.

"Where are you right now, Agatha?!"

Medyo inilayo ko ang aking cellphone sa biglang pagsigaw ng kabilang linya. As always, my Mom is overacting.

"Mom, I'm still in the school. Naggagawa po kami ng project." Sagot ko sa kanya sa mababang tono.

"What time is it already? You should be at home this time."

Bumuntong-hininga na lamang ako. I stomp my right foot out of frustration. Lagi na lang ganito ang nangyayari. Its just five in the afternoon pero gusto nila nasa bahay na ako.

"Go home. Immediately. I mean it, Agatha." May bawat diin ang salita na kanyang binitawan.

Pagkababa ng tawag ay sakto kong nakita si Manong Tasyo, my driver. Medyo lukot ang mukha nito marahil ay pinagalitan na siya ni Mom.

"Ma'am Agatha, kailangan niyo na talagang umuwi." May pakikiusap sa boses ni Manong Tasyo.

Tumango-tango na lamang ako. Sinabi ko na babalikan ko lang ang bag ko at magpapaalam sa mga kagrupo ko.

Napahinto ako sa labas ng pinto dahil narinig ko ang pangalan ko.

"Bakit kasi naka-group pa natin si Agatha eh?!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pa muna ako pumasok at pinakinggan ang mga sinasabi nila, behind my back. I closely lean on the door.

"Kaya nga. Sobrang inconvenient niya ka-group. Tayo pa ang mag-aadjust para sa kanya." Pagsasang-ayon naman ng isa ko pang kagrupo.

Oo, tama sila. Lagi namang ganito ang maririnig ko mula sa mga kaklase ko. Maybe, that's one of the reasons why I don't have friends. Kailangan nila mag-adjust para sa akin. I feel so burden to them kaya I choose to be alone.

Pagkapasok ko ay umarte ako na walang narinig. Lahat sila ay tumahimik, tinitimbang kung narinig ko ba ang usapan nila o hindi.

Tahimik kong dinampot ang bag ko mula sa upuan. Mukhang alam naman nila ang ibig sabihin ng mga galaw ko.

"Oh, Agatha. Uhm, you're leaving?" Awkward na tanong ni Innah.

Tumango-tango ako bago sumagot sa kanya. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Oo eh. My Mom wants me to go home na. I'm sorry."

Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila. Pumayag naman sila na umalis na ako dahil nagawa ko naman na ang part ko sa project.

Nagtungo na ako sa pinagparadahan ni Manong Tasyo ng kotse. Agad akong pinagbuksan ng pinto. Pagkapasok ko sa kotse ay lalong bumigat ang damdamin ko.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon