32nd Fall

8.2K 142 16
                                    

32nd Fall
Lose




"What?"

Inabot ko ang isang folder na ipinatong niya sa harap ko. Mabilis ko itong binuksan at tama siya. Matapos ang insidente kahapon ay nagbigay agad ng sagot ang Lexington sa amin.

"Ang bilis nga bigla. Did something happen to you and Sawyer when we left you two?" I can hint curiosity in her voice.

Well, meron. Nagkasagutan kami. Napabuntong hininga naman ako. Bakit bigla akong nagsisisi sa mga sinabi ko kahapon? Tama naman iyon.

"N-Nothing." Nauutal kong sabi.

Nagiging nosy na naman siya tungkol sa amin ni Sawyer. Kung hindi ko lang talaga siya boss ay nasagot ko na ito. Tinaasan niya pa ako ng isang kilay kaya hindi ko na napigilan na taasan ang boses ko.

"Wala nga!"

Tumawa siya ng bahagya sa sinabi ko. Pero buti na lamang ay pinalipas niya na ang tungkol duon.

"If you want, I can immediately arrange your flight to Cebu." Sabi ni Ma'am Amanda.

Mabilis akong tumango tango sa sinabi niya. Pero napatigil ako ng mapaisip. Why can't I enjoy Manila first? Since last day ko na dito ay siguro maggagala muna ako.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Actually no. Bukas na lang siguro. Mga hapon ay ayos sa akin." Sabi ko.

Lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. Hinablot niya ang folder na hawak ko. Tumayo siya at kinuha ang bag niya.

"Forget about work muna. Let's have our dinner first then we go to a club!" Pahayag niya.

Hindi na ako nakatanggi pa nung isinakbit niya ang braso niya sa braso ko. Pahapon na rin nung pumunta ako dito sa opisina niya. Siguro gabi na sa labas at tama ako nung nakalabas ang kotse ni Amanda sa kumpanya.

Nag park ang kotse niya sa isang italian restaurant along the way. Nung pumasok kami ay medyo napahanga ako sa ganda nung lugar.

"Table for two, Ma'am?" Tanong nung waiter na sumalubong sa amin.

"Yes, please." Sagot ni Amanda.

Nung inikot ko pa ang tingin ay may chandelier sa ceiling nito. Siguro mahal dito.

"My treat." Sabi ni Amanda na mukhang nabasa ang naisip ko.

Hindi naman ako nagpabebe pa dahil wala namang labis sa pera ko para ma-afford itong restaurant. Inihatid kami ng isang waiter sa isang bakanteng table.

Pagkabigay ng menu ay mabilis kong napamilyar ang mga pagkain nila. My parents love italian food.

Napatigil ako sa naisip ko at nabuntong hininga. Maybe, they disowned me, hurt me, pero pamilya ko pa rin naman sila. I'm trying myself to forgive them pero hindi pa sa ngayon. Siguro dadating din ang panahon para mapatawad ko sila. Pati na rin si Sawyer.

Sinabi ko ang order ko pagkatapos ni Amanda sabihin ang kanya. We talk about some stuffs habang naghihintay sa food namin. And thank God, hindi namin napag usapan ang tungkol kay Sawyer.

Pagkatapos namin kumain ng dinner ay dumaretso kami sa isang club sa BGC daw. Wala naman kasi akong alam sa mga lugar dito.

Pagkapasok namin sa isang club ay napapikit ako. Ang sakit sa mata nung lights. Tapos ang usok pa. Pero alam kong high-end club ito sa itsura pa lang. Napatingin ako sa dance floor at napaiwas ng tingin. Ang daming naghahalikan duon at naghahawakan pa. God.

"First time?!" Sigaw ni Amanda upang marinig ko.

Ang lakas din ng music at halos dumadagundong na ang buong place dahil duon. Tumango ako bilang sagot. Tumawa siya ng bahagya dahil duon. Hinila ako ni Amanda sa isang table.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon