20th Fall

7.6K 126 2
                                    

20th Fall
Miss



Unti unti kong dinilat ang aking mga mata. Apat na mga tao ang unang bumungad sa akin. Mabilis kong napagtanto na sina Mom at Dad ang nasa kanang bahagi ko.

"Oh my! She's awake." My Mom exclaimed.

Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga. Mabilis naman akong tinulungan nung isang ginang. Siguro ito si Mrs. Schroeder.

"A-Ano pong nangyari?" Tanong ko sa kanila.

Napapikit naman ako ng mariin dahil biglang kumirot ang ulo ko. Hinimas himas ko ang sentido ko. Ilang araw na talaga akong nahihilo, siguro kasi hindi talaga ako makatulog ng ayos.

"You fainted, dear." Sabi ni Mrs. Schroeder.

May nakasabit na stethoscope sa leeg niya. Hula ko na siya yung huling boses na narinig ko. Tiningnan ko ang paligid at napagtantong nasa clinic ako ng company.

"I suggest that you should eat and sleep more. You should also avoid stress if possible." Sabi pa ng ginang sa akin.

Hindi ko mapigilan na ngumiti sa kanya. Tumango tango ang parents ko sa sinabi niya.

"Agatha, I bet you are already familiar with them. This is Saunder and Felicity Schroeder. Family friend natin." Sabi ni Mom.

Binigyan ako ng isang tango ni Mr. Saunder habang nginitian ako ni Mrs. Felicity. Medyo may pagkaseryoso ang asawa nito habang ang ginang ay magaan lang kausap.

Hindi maalis sa akin ang kaba habang pinagmamasdan ko sila. Ngayon ko lang malinaw na nakita ang mukha ni Mr. Saunder at hindi maitatanggi na kahawig na kahawig niya si Sawyer. Kaya hindi ko na napigilan na magtanong.

"Anak niyo po ba si S-Sir, uhm, Iann Sawyer Schroeder?"

Agad na nanlaki ang mga mata ng ginang sa sinabi ko. Nakita ko naman na naguluhan sina Mom sa sinabi ko.

"Yes, dear. He is our son. Why?" Sagot sa akin ng ginang.

Sila pala talaga ang mga magulang ni Sawyer. Paano kaya sila nagkakilala ng mga magulang ko? Matagal na ba silang magkakilala?

"A-Adviser ko po siya." Medyo nauutal kong sabi.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa harap nila na ako ang girlfriend ng anak nila. Lalo na kung nandito pa ang mga magulang ko. Maybe our relationship was meant to be hidden after all.

Mrs. Schroeder insist me to call her Tita Felicity. Mabilis ko namang ginawa iyon. Sobrang galang ko habang nakikipag usap ako sa kanya. Siguro gusto ko ring magpa-impress sa magulang ni Sawyer. Tinanong niya kung anong klaseng teacher si Sawyer and such.

Nung tumikhim si Tito Saunder ay tsaka kami natigil sa pagkukwentuhan ni Tita Felicity. May ibinulong ang asawa nito sa kanya. Mayamaya ay nagpaalam na sila sa parents ko. Lumapit ang ginang sa akin at may inabot na card. Pagkatapos nuon ay pinisil niya ng marahan ang kamay ko.

"You better see a doctor, dear. I'm a Cardiologist so I'm not expert in that field."

Kahit naguguluhan ay tumango tango ako sa kanya. Alam ko na may iba siyang ibig sabihin. Inihatid naman sila ng parents ko palabas. Tiningnan ko naman ang card na ibinigay niya.

Schroeder Medical Hospital?

Siguro hindi ko naman na kailangang pumunta ng hospital. Wala pati akong oras dahil sa immersion. Ilang linggo na lang at graduate na ako sa Senior High School.



Nakahinto ako sa harap ng pinto ng office ni Sawyer. Tapos na kasi ang immersion namin kaya dapat ireport sa adivser. Pati na rin para i-pass yung card at documentations. Kahapon pa nga nagpasa ang mga kaklase ko. At hanggang ngayon na lang ito.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon