18th Fall
Identity"You'll transfer."
Mabilis akong nagpapadyak sa inis. Mula MIA ay ililipat nila ako sa isang all girls school. Isang buwan na lang kasi ay pasukan na naman.
"I can stay naman sa MIA, Mom." Sabi ko.
Ayoko na namang magtransfer. Maiiwan ko na naman ang mga kaibigan ko. Bagong environment na naman.
"No. My decision is final, Agatha. Sa St. Andrea's ka na papasok."
Nilampasan ako ni Mom pagkatapos sabihin iyon. Naiwan ako sa library na nanglulumo. Medyo may kalayuan ang MIA sa St. Andrea's. Siguro gusto rin nila ako lumipat dahil nakarating sa MIA ang nangyari kay Ate.
My sister is already two months pregnant. Nung nalaman ng parents ko nung March ay four weeks na pala siyang nagdadalang tao. Medyo halata na ang tiyan niya ngayon.
Natanggap na rin nila Mom ang kalagayan ni Ate. Halos isang buwan si Ate na hindi pinapansin nina Dad. Pero nung dinugo siya last month ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kita ko sa mga mukha ng mga magulang namin ang pag alala nung itinakbo sa hospital si Ate. Sa hospital pa nga sila nagkadramahan at nagkapatawadan.
"Agatha, what's with the face?"
Nilingon ko si Ate na naglalakad papunta sa akin. Mabilis ko siyang niyakap at nag uungot. Sinabi ko na magta-transfer na ako sa ibang school.
Bigla namang lumungkot ang mukha ni Ate. Hinaplos niya ang buhok at hinalikan ako sa noo ko.
"Sorry, Agatha. Ako ang may kasalanan kung bakit mo kailangang mag transfer." Mahinang sabi niya.
Hinahaplos niya naman ang umbok na tiyan niya habang sinasabi iyon. Umiling naman ako para hindi sang ayunan ang sinabi niya.
"Ate, its not your fault. Tsaka wag ka na malungkot. Sige ka papangit baby mo." Biro ko sa kanya.
Napatawa naman siya sa sinabi ko. Nakatanggap pa ako ng batok mula sa kanya. Babawian ko sana kaso naalala ko na buntis nga pala siya.
"Anong pangit ka dyan! Ganda ganda ko tapos gwapo pa ang daddy niya."
Natigilan kaming parehas sa sinabi niya. Ngayon lang siya nagsalita tungkol sa ama ng dinadala niya. Pinipilit pa rin siya ng parents namin na sabihin kung sino ang ama. Ngunit tikom ang bibig ni Ate tungkol duon.
"Gwapo? Sino, Ate?" Tanong ko sa kanya.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Ate. Naglakad siya papunta sa kwarto niya at sinundan ko siya. Niyakag niya akong umupo sa kama niya nung nakita niya na nakatayo lang ako sa may pintuan.
"Agatha Kalisha, bata ka pa para maintindihan lahat." Mahinahon na sabi niya.
Bakit ba lahat sila ay sinasabi na bata pa ako? May isip na kaya ako. Tsaka thirteen na ako at hindi five.
"I'm sure I can keep up, Ate." Namimilit kong sabi.
Tumawa ng bahagya si Ate Ayesha. Sinabi niya na sobrang kulit ko daw kahit kailan. Mahina ko namang hinila ang buhok niya.
"Una ko siyang nakilala nung first day natin sa MIA. For the first time in my life, may isang taong naka-appreciate sa akin, may isang taong inuna ang kaligayahan ko, at may isang tao pwede kong sandalan."
Nakangiti siya habang sinasabi iyon. Umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. Ngayon ko na ulit siya nakitang ngumiti ng ganuon. So, taga Holland din pala ito?
BINABASA MO ANG
Falling Badly
Aktuelle Literatur𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟷 𝙏𝙝𝙚 𝘿𝙤𝙘𝙩𝙤𝙧 Agatha Kalisha Gomez is not your typical teenage girl. With her overprotective parents and her older sister's history, she was caged from the world. Her life revolves in their huge mansion and to...