23rd Fall

7K 125 3
                                    

23rd Fall
Gossip



"Agatha?"

Napalingon ako kay Mom mula sa pagkakatulala. May dala itong isang basong gatas. Lumapit siya sa akin at inilagay ang baso sa bed side table.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko na naman napigilang maluha nung tiningnan niya ako sa mata.

"What's the problem, anak?" Tanong niya.

Umiiling iling lang ako. Kahit na hindi ko siya sinagot ay hindi naman siya nagalit.

"I knew this day would come." She sighed.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May alam ba siya? Pero kung alam niya magagalit agad siya.

"I can see it and even feel it, Agatha. I know that you are hiding something. Ganyan na ganyan ang naramdaman ko nuon kay Ayesha."

Ofcourse, she would know. She's my mother after all. Siguro totoo nga yung haka haka na nararamdaman ng ina ang pinagdadaanan ng anak kahit pa itinatago niya ito.

Hinila ako ni Mom upang yakapin. Muli na naman akong napahagulgol dahil sa ginawa niya. This is what I need right now. Comforting hug from my mother.

"I'm sorry, M-Mom. I'm s-sorry p-po." Humihikbi kong sabi sa kanya ng paulit ulit.

Hindi nagsalita si Mom at tinapik tapik ang aking likod. Pilit niya akong pinakalma pero mas lalo akong napapaiyak. How could I betray my parents? Just for love, just for a man. Sa huli ay pamilya na lang ang matatakbuhan ko.

"It's okay, dear. Lahat naman ng tao nagkakamali." Sabi niya.

Inalis niya ang pagkakayakap ko. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko at ngumiti.

"Pero sana matuto ka sa mga pagkakamaling iyon. And I hope natuto ka sa pagkakamali ng Ate mo."

Pagkatapos nuon ay hinalikan niya ang noo ko at nagpaalam na. Pagkasarado ng pinto ay patuloy pa rin akong lumuluha.

Hindi ako natuto, Mom. Ginawa ko rin ang pagkakamali ni Ate lalo na sa parehas pang lalaki. Masyado akong naging marupok dahil siguro matagal na akong nalulungkot sa takbo ng buhay ko. Pero ngayon, sana bumalik na lang sa dati ang lahat. Yung bahay-school lang ako. Walang problema. At higit sa lahat ay hindi nasasaktan.



Mabilis akong napatakbo patungo sa banyo. Bigla kasi bumaliktad ang sikmura ko. Binuksan ko ang toilet at sakto naman na nasuka na ako.

Isinuka ko halos lahat ng kinain ko. Nawalan agad ako ng lakas ng matapos akong maduwal. Pumunta ako sa sink pagkatapos i-flush ang toilet upang magmumog. Napahawak ako sa tabi ng sink para makakuha ng lakas. Nakakahina talaga iyon.

Ilang araw ko ng nararanasan ito. Kung hindi ako nagugutom sa kalagitnaan ng gabi ay naduduwal ako tuwing umaga. Siguro dapat talaga akong magpa-check up. Sa sobrang depresyon ko ay nagkakasakit na ako.

One week na ang lumilipas simula nung birthday ni Ate Ayesha. Wala na akong narinig na salita mula kay Sawyer magmula ng araw na iyon.

Nangibabaw ang galit sa akin. Ayoko sa lahat ay ang pagsisinungaling niya. Matatanggap ko pa kung una pa lamang ay inamin na niya na siya ang nakabuntis kay Ate. Hindi eh. Tinago niya kaya sobrang sakit.

Aaminin ko na nag aabang ako ng mga tawag niya o kaya naman ay text. Pero lahat ay wala. Hindi ko na rin siya nakikita sa school tuwing may graduation practice kami.

Bigla akong napaayos ng tayo nang maalala na graduation ko nga pala ngayon. Nagsimula na akong kumilos upang paghandaan ito.

Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko sina Mom at ang make-up artist na nag aabang sa akin. Niyakag nila akong umupo sa harap ng mirror at nagsimula na akong ayusan nung make-up artist.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon