8th Fall
HappyNakaupo kami parehas sa sofa na kaharap ang television. Napagpasiyahan namin na manood ng movie sa Netflix dahil medyo maaga pa naman. Tsaka walang pasok bukas.
Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakapulupot ito sa bewang ko. Why does it feel so right even though in reality, it's wrong? Pinigilan ko munang mag isip ng kung ano ano. I just want to savor the moment while we can.
"Anong oras ka uuwi?" Tanong ko sa kanya.
Medyo malapit na matapos ang movie na pinapanood namin. Ilang beses ko na kasi ito napanood kaya alam ko kung patapos na.
"Patutulugin muna kita. Paggising mo wala na ako." Sabi niya.
Ramdam na ramdam ko ang init ng hinga niya dahil sobrang lapit niya. I can't help but shiver. Naramdaman ko na nagtaasan ang mga balahibo ko.
"Or we can go out?" Tanong niya sa akin.
Agad na nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumango tango ako na parang bata sa kanya.
"Where do you want to go?" He asked.
Napatigil naman ako sa tanong niya. I've never been to places even just outside the town. Mas maganda siguro kung sa medyo malayo kami pumunta para walang makakita sa amin.
"Out of town? Kahit mall lang ulit. I need to buy jeans." Sabi ko.
Nagulat pa siya ng malaman na wala akong jeans sa closet ko. Mabilis niya naman sinabing ibibili niya ako ng twelve na jeans na iba't ibang klase. Natawa na lamang ako sa kanya at hinampas ang braso niya.
"Okay, Stafford Mall ulit tayo sa kabilang town na malapit dito para maiuwi agad kita."
Nginitian ko lamang siya. Niyakap ko ang bewang niya. He chuckled a bit. Dapat daw dalasan niya ang pag-alis alis namin para may yakap siya. Baliw talaga.
Nang matapos ang movie ay nauna siyang pumunta sa kama. Sumunod naman ako sa kanya kaso lang napatigil ako. Nilingon niya ako ng may pagtataka sa mukha pero makalipas ang ilang segundo ay naintindihan naman niya.
"I won't do anything you don't want to... Unless you want it too, who am I to reject?" Nakangisi pa siya sa akin habang sinasabi iyon. Napakaloko loko talaga ng lalaking ito.
"Sawyer!" Saway ko sa kanya. Pinalo ko pa ang paa niya na malapit sa akin.
Umupo muna siya sa kama. Inabot ang kamay ko at hinalikan. Seryoso niya akong tiningnan bago hilahin palapit sa kanya.
"I respect you more than anyone or anything else, Kalisha. So, don't worry. I won't do anything." Punong puno ng sincerity ang mga mata niya.
Tumango tango ako bago humiga na rin sa tabi niya. Nakaunan ako sa braso niya habang hinahaplos niya naman ang buhok ko. Mayamaya ay bumigat ang talukap ng mga mata ko.
"Isn't this too fast?" Mahinang tanong ko.
Narinig ko na bumuntong hininga siya. Naramdaman ko na hinaplos niya ang pisngi ko. Sumagot siya pero sobrang antok ko ay hindi ko malinaw na naintindihan iyon.
BINABASA MO ANG
Falling Badly
General Fiction𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟷 𝙏𝙝𝙚 𝘿𝙤𝙘𝙩𝙤𝙧 Agatha Kalisha Gomez is not your typical teenage girl. With her overprotective parents and her older sister's history, she was caged from the world. Her life revolves in their huge mansion and to...