16th Fall

7.4K 120 2
                                    

16th Fall
Cafeteria



Five years ago...



"Why are we leaving Cebu?"

Ilang ulit ko na itong tinatanong kay Ate Ayesha. Medyo sinabunutan na niya ako dahil sa kulit ko. Nasa sa sasakyan kami ngayon at papunta sa bagong bahay namin sa Laguna.

"Kasi nga dahil sa business nina Mom! Ang kulit mo!" Naiinis na sambit ni Ate Ayesha.

Tumawa ako ng tumawa. Ang totoo ay alam ko naman ang dahilan ng paglipat namin. Gusto ko lang asarin si Ate.

Pagkadating namin sa bagong bahay ay napamangha agad ako. Mas malaki ito at mas maganda kaysa sa Ancestral house namin sa Cebu. I'll definitely miss that place though.

Pinakita sa amin nina Mom ang mga kwarto namin. Magkatabi lamang ito. Puro books ang laman ng kwarto ko na ikinasaya ko.

"Sleep early, girls. Bukas na ang first day ni'yo sa Marshall International Academy." Paalala ni Mom sa amin.

Mabilis na kumunot ang noo ko. Wala man lang rest? Tiningnan ko si Ate Ayesha. She look so excited while I'm not. Miss ko na yung best friend ko na si Celine sa Cebu. Panigurado na wala akong friends sa bagong school.

Nag uungot pa ako kung pwede na next week na lang kami pumasok. Pero nakatanggap ako ng batok kay Ate. Sayang naman daw kasi first day na bukas.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Hindi pa ako magigising kung hindi kinalampag ni Ate ang pintuan ko. Kaya binilisan ko ang aking kilos.

"Good morning, girls!" Bati ni Mom sa akin.

Parehas akong lumapit sa parents ko upang halikan sila sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Ate. Wala siyang ginawa kung hindi madaliin ako sa pagkain. Muntik pa nga ako mabilaukan dahil sa kanya.

Patuloy lamang akong sinesermunan ni Ate hanggang makarating kami sa MIA. Bakit hindi raw ako nag alarm at uso naman daw iyon sa cellphone. Sobrang laki talaga ng school na ito. Hindi ata malilibot ito ng isang araw sa sobrang laki.

May isang basketball arena dito, mayroon ding swimming pools , may isa ring soccer field at volleyball court. May isang napakalaking field pa sa gitna ng Academy. Sa south-east part ang Elementary. Sa north-east part naman ang Junior at Senior High. Sa north-west to south-west naman ang College.

"Agatha Kalisha, don't do anything stupid, 'kay?" Ate said to me.

I made a face to her. I even rolled my eyes to her and nakatanggap na naman ako ng batok kay Ate. Napakasadista talaga niya.

Maghihiwalay na kasi kami. Sa Junior High campus ang punta ko at sa Arts and Science department naman siya pupunta. Magiging doctor ang Ate ko sa future. Proud ako sa kanya kahit lagi niya akong sinasaktan.

Nagpaalam na si Ate sa akin. Ako naman ay nagsalpak ng headset at nagsimula ng maglalad. First day naman kaya okay lang ma-late. Napansin ko habang naglalakad ako ay nagtitinginan yung mga tao sa akin. What's wrong ba?

Pagkadating ko sa room ng Grade 7 Aquinas ay nadatnan ko ang typical na classroom. May nagbabatian, may mga magkakilala na at ang iba ay close na. Siguro dito rin sila nag graduate kaya kilala nila ang isa't isa habang ako ay wala. Naupo na lamang ako sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana.

Mayamaya ay may pumasok na isang hindi katandaan na babaeng teacher. Nagpakilala ito bilang adviser namin. Pinangunahan niya ang introduce yourself ng klase. Nagpatuloy ito hanggang sa makarating sa akin. Medyo tinatamad pa akong tumayo at naglakad sa unahan. Napuno ng bulungan ang klase dahil hindi raw ako pamilyar sa kanila.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon