Thea's POV
"Where had you been?" I asked my long lost sister. After 15 years of waiting, she's only here in this hell. She became one of them!"Dinala ako ni daddy rito Thea. Binigay niya ako rito sa mga lugar nang mga demonyong g*go. Hindi na raw kaya ni dady ako. Wala raw akong utak. Pinadala niya ako rito kasi gusto niya raw turuan ako ng mga leksyon magpapatunay na magiging successful ako at maka-graduate with flying colors. Doon lang nalaman ni daddy na peke ang lahat nang ito. Kaya inabandona niya lang ako rito. Iniwan. Parang lang akong lantang gulay na iniwan sa tabi tabi." Tumulo ang mga luha nito at yumuko. "Nakakuha na lang ako ng balita about sa inyo hanggang nag-eleven ka na. Pinatigil nila ang komunikasyon natin dalawa Thea," hinawakan niya ang mga kamay ko. Ang lamig na ng kamay niya!
"Nandito ka na sa tabi ko. Wala ng ibang mangyayari. I love you!" She hugged me tightly. Even though na malamig ang katawan niya, I can feel the heat of her love to me and my mom and dad. She did not left. Dad left her in this burning hell.
"Oh ano ang gusto mo Thea?" Tanong nito sa akin. Pupunta kami ngayon ni Ate Aleyah sa cafeteria. Kakain kami sabay sabay nang lunch.
"Kahit ano. Okay na ang pizza with fries tsaka buko shake ate." I replied. Ngumiti siya sa akin at binalik niya ang mga mata sa dadaanan.
Ilang minuto kaming naglakad nang biglang nang may lumapit na lalaki sa harap ni Ate Aleyah.
"Oh! Ano na naman ang gusto mo sa akin Knight?" Tanong nito na galit na galit.
"Sorry na babe! Wala kaming relasyon ni Marian! Wala!"
"Hindi ko na tatanggapin yang paliwanag mo. Why would I give you another chance to love me? Di ba sa totoong buhay, king bibigyan mo pa nang second chance ang mga taong nangloko sa iyo, di ba iiwan lang nila yun? Sagot!" Sigaw ni Aleyah sa lalaki at sinampal ito ng malakas sa pisngi. Kitang-kita ang pulang marka ng sampal ni Ate Aleyah.
"Pasalamat ka na kasama ko rito ang kapatid ko o siguro, pinatay na kita sa harap ko at susunugin ko ang bangkay mo at tatawa lang ako! Alis!" Sabi nito at binagyan ako ng matalim na tingin. Tumakbo na lang ito sa kabilang direksiyon ng halls.
"Pasensiya na Thea. Kailangan kong maging isang badass sa harap mo. I'm the vice president at isa sa mga batas dito sa loob ng campus ay pinagbabawal ang pagiging mabait sa mga ibang estudyanteng kilala mo na nagloloko-loko." Paliwanag nito sa akin.
"Okay lang naman. That was totally cool actually! Napahanga mo ako sa pagiging malakas mo." Sabi ko at tuluyang tumawa ito.
"Excuse me? Ikaw ang vice ng campus?" Tanong ni John sa likod namin.
"Yes. Alam kong presidente ka rin rito, president John." Nagbow ito sa harap niya at ngumiti.
"Nice to meet you. At salamat rin pala na pinaalis mo ako roon." Sabi nito na parang nahihiya.
"Its fine. C'mon! gutom na ako." Sabi ni John at pumasok na sa loob ng cafeteria.
Nang pumasok na kami sa loob, nahagip ko ang mga mukha nang ibang estudyante sa cafeteria.
'Oh my! Ang swerte naman nila! Mga bago sila pero kaibigan na nila ang president at tsaka yung vice president! Ang galing nila ha!'
'Oo nga!'
Nang naglinya si John, tumabi bigla ang lahat ng mga estudyante. Ang laks naman pala ng power ni John! Infernes!
Nung naka-order na kaming lahat, kumuha kami ng isang pwesto at umupo.
Habang nag-eenjoy kaming kumain, pumasok ang principal ng kadiliman at humarap kay John.
"Mister Erichson! Bakit ka sumasama sa ibang estudyante rito?" Tanong nito kay John. I rolled my eyes ar the principal at sinampal ako.
"Where are your manners miss Thea? Show some respect in front of me! Mister Erichson! Alam mo bang hindi maganda ang pagkakaibigan ng ibang estudyante rito?! It can ruin your career! Bago ka pa lang pero sinira mo na agad ang trust namin!" Sigaw nito. Eh ano pakialam namin sayo? Your not even worthy to be called the principal! Your just worthy enough to be called the janitor!!
"Yes mister principal." Tumayo si John at umupo sa kabilang upuan.
"Isa ka pa!" Sigaw nito kay ate Aleyah at may kinuhang kutsilyo. Idiniin nito sa likod ni Ate Aleyah. Gusto kong sumigaw pero walang tinig na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong tumakbo at sampalin ang principal nang sablay pero ayaw gumana ng mga paa ko. Parang hinahawakan ng lupa ang mga paa ko.
"Pasalamat ka at binigyan ka pa ng pagkakataon! Kung ako lang sayo, pinatay na kita!" Itinapon nito ang kutsilyo at tumayo ng matuwid. Bakas sa mukha ni Ate ang sakit dulot ng pagkadiin ng kutsilyo sa isang bahagi ng likod nito. May pula rin na basa sa likod nito na parang kumakalat na parang lamunin siya anumang oras.
"Paalam." Sabi nito at naglakad palayo.
Nang makaalis na si principal t*ngina ay tumakbo ako papalapit kay Ate.
"Ate! Okay ka lang ba?" Tanong ko. I'm worried so much na bigla lang sigurong sasabog ang puso ko! Oh my God!!!!
"Kailangan mong magpakalayo muna sa amin ni John Thea. Mapapahamak ka lang dahil sa amin." Napasigaw ito ng lumala ang mga sugat nito sa likod.
Lumapit si John at dinala si Ate papuntang clinic. Nawalan ito ng malay dahil hindi ito siguro sanay sa mga sugat.
Sumunod na lang ako kasama si Ashleigh na parang ayaw makasabi ng kahit ano. May parang tumitigil sa kanya.
May sekreto siguro siya na dapat kong malaman.....
BINABASA MO ANG
School Survival: The Search
Misterio / SuspensoThree innocent and naïve teenagers entered a school known as Southern Everest High University. They like the name of the school. But as they stay in the school, one tragic murder came and the students called it the 'Bloody War of Hell.' As they're c...