Chapter 13 - So Close, Yet So Far

295 7 0
                                    

[ R E C E S S ]

Francis' POV

'Kung alam mo lang..' 'Kung alam mo lang.. ' Yan ang paulit-ulit sinasabi saakin ni Chloe. Ano ba talaga yun? Kayo ba, alam nyo ba yun? Ang labo nya.. What if, may gusto nga si Ella saakin? Hmm.. Alam ko na! Gagawa ako ng experiment. Let's see kung totoo nga..

"Tol. Sa tingin mo, ano ang magugustuhan ni Dianne? Flowers? Chocolates?" Boyd.

"Aba malay ko. Hindi ako si Dianne at never ko pa sya nakausap. At tol, wag mo na sya ligawan." Francis

"At baket naman? May gusto ka din sakanya noh?" Boyd

"Ha?! Hindi no! Si Ella ang gusto ko.." Hala! Nasabi ko ata yun ng malakas.. Ngumisi si Boyd at..

"Sabi ko na nga ba eh! Si Ella! Ayiee brad! Kinikilig na meee!" Boyd. sabay sinusundot ang pisngi ko. Yan nanaman sya eh

"Huy tama na.. Para kang bakla dyan!" Francis

"Hahaha.. Pero bakit nga hindi pwede? Ang sama mo" Boyd

"Kasi, liniligawan na sya ni Louis. Kilalang kilala ko si Louis. Gusto nya makuha ang gusto nya. Kapag nalaman nya nililigawan ka nya, naku. He will break your bones! Kaya, layuin mo na si Dianne kung ayaw mo mapahamak sakanya." Francis

"Ewan ko brad. Pero gusto ko na sya eh. Diba, wala naman mawawala kung hindi ko subukan?" Boyd

"Hay nako! Napakatigas ng ulo mo! Bahala ka sa buhay mo. Tandaan mo, nagpayo na ako sayo. Layoan mo na sya. Mas mabuti pa nga kung si Chloe nalang ligawan mo. Mas bagay pa kayo" Francis

"Si Lechon?! Hinding-hindi ko sya magugustuhan! At paano kami naging bagay? Eh kung lagi naman kami nag-aaway. Hindi tulad nyo ni Ella, pasweet , kilig at --" Boyd

"Oo na.. Oo na.. Pero seryoso ka dyan? Ihanda mo na ang muka mo. Natatakot na ako para sayo." Francis

"Sige. I'm ready." Boyd

Ella's POV

Hindi ko na mabitaw ang magazine ni Chloe. Nakaka-adik! Kahit kumakain ako, yung mga mata ko naka-focus paren sa magazine. Binabawalan na nga ako ni Chloe kasi hindi ko na raw sya pinapansin.

"Ellang! Maitanong lang ha, paano kung linigawan ka ni Francis, sasagutin mo ba? O mamatay ka nalang sa kilig? O dedma nalang?" Chloe.

"Ewan ko ba. Hindi ko pa kasi naranasan na nanligaw ang crush ko saakin noon. Eh ikaw? Kung linigawan ka ni Boyd, sasagutin mo?" Ella

"Hay nako Ellang, malabo mangyayari yun. Saka, obvious na obvious ayaw nya saakin." Chloe

"Kamusta na nga pala ang panliligaw ni Boyd kay Dianne? Any luck?" Ella

"Wala pa akong balita tungkol dun. Pero sigurado ako nyan, hindi sya magugustuhan ni Dianne. O kaya, something came up." Chloe

"Sana ikaw nalang ang niligawan ni Boyd" Ella

"Kadiri ka!" Chloe

"Bagay kaya ang ChlOyd! " Ella

"Mas bagay ang FrancElla" Chloe

Only You (FrancElla) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon