Chapter 32 - Her Approval

159 6 0
                                    

Boyd's POV

This is it! Liligawan ko na si Chloe at sana mapasagot ko na siya. Based on her note, mahilig siya sa mga surprises. Since mas maaga ako pumapasok, I left a rose on her armchair. 

I left a loveletter in her locker too. Nung recess, binigyan ko siya ng paper bag na may pagkain sa loob. Mcdo yun ah. Buti naman tinanggap niya. Pansin ko din lately, iniiwasan niya ako. Pero ako eto, lapit ng lapit sakanya. Lagi ko siya kinakausap. Minsan ang tipid din niyang sumagot. Gaya ng "Ok lang ako" , "Wala lang" , "Sige" , "Hmm". Nakakainip din, pero tiis tiis nalang. 

Nung nalaman kong mahal niya din ako, siyempre may lakas ako ng loob para ligawan siya, at meron ding high chance na mapapasagot ko siya. 

But the problem is, INIIWASAN NIYA AKO! Ang snob na niya. Kapag tinatanong ko naman bakit, nagshushrug lang siya at hindi man lang ako tignan sa mata.

"Marsie, kapag niligawan ka ng crush mo, sasagutin mo ba kaagad?"

"Wala kang pake."

"Anong wala? Best friend kita no."

"Ayun na nga, best friend lang kita. You don't have to know naman e. Saka, don't bug me anymore. Nakakairita na."

"Marsie naman, walang ganyanan o. Bakit mo ba ako iniiwasan? Can't you just tell me? Para naman ma solve na natin yang problema mo"

"Ayoko. Pwede ba wag kang mangielam!"

"Marsie.... I--"

"Don't talk to me anymore. Leave me alone." tumayo na siya at nag walk out. 

This is harder than I thought. Akala ko madali na to sakin. 

HINDI PALA.

"Francis!"

"Oh bakit?"

"I need your help"

"What's wrong?"

"Iniiwasan na ako ni Chloe"

____________________________

Ella's POV

Nagkwento-- I mean, Nagreklamo si Chloe saakin dahil lagi daw siyang ginugulo ni Boyd. Nagpapapansin daw. Kung kelan gusto daw niyang mag move on saka siyang lapit ng lapit sakanya.

She also asks me where did all the flowers and loveletters came from. She's been receiving those since Monday.  Baka alam ko kung sino nagbigay. No comment lang ang sagot ko kay Chloe. Buti naman hindi niya tinatapon yun, sayang daw ang effort nung nagbigay sakanya.

Kahit hindi niya alam kung sino nagbigay, hinahalagaan niya parin. Good girl. Kung sinabi kong si Boyd nag bigay nun ivavalue parin ba niya o itatapon kasi gusto niyang mag move on? Ang hirap din kasi  ang sitwasyon nitong babaeng to!

Kung kailan may gusto na pala ang mahal niya sakanya, ayaw na niya.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

It's been two weeks na, hindi parin tinitigil ni Boyd sa pag bibigay ng bulaklak kay Chloe. Minsan naman tsokolate.

Pero, hindi na niya ginugulo si Chloe, tulad ng bilin niya. Nakakaawa na din si Boyd. Lagi nalang niya pinagmamasdan si Chloe from afar.

Nung tinanong ko naman si Chloe kung talagang nakapag move on na ba siya.....

"O-oo naman." tapos nag smile siya ng pilit

Hindi mo naman pwede makalimutan ang isang tao na ang tagal mo ng minahal, agad agad.

Only You (FrancElla) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon