Chapter 16 - A Day With You

263 8 2
                                    

[ M A L L ]

Ella's POV

Nasaan na kaya si Francis? Nag text siya saakin OTW na raw. 20 mins ago pa yun.Si Chloe? Nag-CR. Si Boyd? Kasama ni Francis. Bat' ba ang tagal nung dalawa. Aish.. Matawagan na nga si Francis

Calling Francis...

Ay! May tumakip sa mata ko! Pero, nagri-ring ang phone niya. Weird. Tapos may nari-rinig pa akong tumatawa. Napa-isip ako, si Francis ba to?

"Francis! Alam kong ikaw yan! Nagri-ring pa nga ang phone mo!" tapos tinaggal na nya ang kamay nya.

"Ikaw naman kasi tinawagan mo pa ako, dadating naman ako. Ayan, epic fail tuloy."

"Si Chloe?" Boyd

"Who's looking for me?" Napatingin kaming tatlo sa nagsalita.

"Siya" sabay turo namin kay Boyd. Napangiti naman si Chloe

"Oh, tara na. Ano gusto nyo? Sine, arcade, o kumain?" Boyd

"Nagugutom na ako sa kakahintay sa inyo."

"Saan nyo gusto kumain?" Boyd

"Jollibee nalang" Chloe

"Tara"

Francis' POV

Nag order na kami ni Boyd ng pagkain namin at dinala sa table namin. Habang nagkwe-kwentohan, napunta sa topic ang birthday ni Ella.

"Ell, ano ang balak mo sa birthday mo?"

"Ay oo nga pala, nakalimutan ko na birthday ko na next week."

"Next week?!" Boyd and I said in chorus

"Oo next week. Sa August 17 na. Mag fi-fifteen na ang prinsesa ni tuuut!" Chloe

"Ikaw Chloe ha. Umm..Ano nalang, Kain nalang tayo sa labas. Ayoko kasi na masyadong bongga ang birthday ko. At hindi pa naman ako magde-debut." Ella

"Gifts? Anong gusto mo?" ako

"Kayo ang bahala." Ella

" *buuuurrpp!* Excuse me guys. Busog na busog na ako." Boyd

"Eew. Next time cover your mouth!" Chloe

" Opo Lola" Boyd

Umalis na kami sa Jollibee at nag arcade kami, Bumili na kami ng tokens. Magkasama ang ChlOyd at magkasama naman kami ni Ella.

.........

Boyd's POV

"Basketball nalang" Chloe

"Marunong ka?" Boyd

"Duh.. Eh ikaw? Marunong ka?" Chloe

"Tss"

"Ayan ka nanaman sa Tss-tss mo na yan. Halika na!" at hinila na nya ako patungo sa basketball shooting game.

Pinasok na namin ang token at sinimula na namin mag shoot. Nag bet kami, ang lowest score sila ang mag lilibre ng kung ano ang gusto ng mananalo. Grabe, hindi ko inakala na ang galing nito mag shoot. Sobrang focus sya sa pag shoo-shoot, ako, eto sinisulyapan ko sya- este ang score nya, at lamang sya! Hala, hindi pwe-pwede to. Naka 88 palang ako at 114 na sya. at kung sinuswerte ka nga naman, Naubusan ka ng time!

"Whoo! Ang saya!" Chloe. at tinignan ang score ko. Tss

"Hahaha.. Akala ko ba basketball player ka? Ba't ganyan lang score mo?"

Only You (FrancElla) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon