Chapter 29 - Ay-ayaten Ka

211 6 1
                                    

Francis' POV

[ F L A S H B A C K ] ( Chapter 27 )

"Ahh I see. She's a very lucky girl to have a best friend like you." Jay

"You think so?"

"Yes, and I trust you. Botong-boto na ako sayo para kay Ella. You know her very well. Dapat yung maging manliligaw niya o future boyfriend niya dapat yung kilala siya, not only by name pero her inner self. Sa tingin ko, alam mo din kung ano ang ayaw at gusto niya diba? Kung ano ang bawal at pwede sakanya?"

"Yes. I do. Maraming salamat, Jayson. You can count on me."

"I hope so. Sige, pwede kana makisali sakanila."

tumayo na kami at nakipag manly-hug. At least boto na siya saakin, the only thing left is.... ang parents niya.


[ END OF FLASHBACK ]

.........

Uwian na. Linapitan ko si Ella.

"Uh, Ella.. Ano kasi.."

"Sige, wag kana mahiya, sabihin mo lang"

"Ano, pwede tayong lumabas?"

Tumayo siya at hinila ako palabas ng classroom.

"Oh ayan, lumabas na tayo, Anong meron?"

Natawa ako sa ginawa niya at parang nagugulohan sa pagtatawa ko. Nagseryoso ulit ako ng muka.

Hinawakan ko ang dalawang balikat niya at tumingin sa mga mata niya.

"Sunday, be ready at 10"

yun lang sinabi ko at umalis na. How rude of me.

.............

Ella's POV

"Sunday, be ready 10" Francis. Huh? Is he asking me out for a date or what?

Bakit kaya?

We've gone out for a few times pero bakit parang hindi pa ako nasanay? OA lang ata ako ngayon. Ewan.

Hindi man lang niya sinabi kung saan kami magkikita.

-------

Sunday na ngayon at late na ako nagising. Inaantok pa ako kaya humiga ulit ako sa kama.

Biglang may kumatok.

"Ellaaa! Gising ka na ba? May bisita ka"


Huh? Sino kaya yun?

Napatingin ako sa orasan, 9 a.m. pa lang ah? Sinong bibisita ng ganitong oras? Ang aga aga.

"Sige po ma, pababa na"

Kinuha ko yung suklay ko at nagsimulang suklayin ang buhok habang pababa ng hagdan. Antok na antok akong pababa ng bigla nawala ang antok ko dahil...

"Hi Ella"

O__________O

"F-Francis?!" Muntik na akong madulas sa hagdanan sa sobrang gulat ko.

Bakit siya nandito?! Nakangiti lang siya saakin habang ako, nanlalaki parin ang mata ko sa gulat.

Napansin kong ngiting ngiti rin mama sa akin pero may hint ng pagtataka sa muka. Siguro nagtataka rin siya kung bakit nandito si Francis.

Only You (FrancElla) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon