11

10 3 0
                                    

#WABlackValentines_Entry
Title: Bakit nga ba ako single?
Un: Miss N-credible
spoken poetry

Maraming nagtatanong kung bakit daw ba ako single...

Bakit nga ba ako single?
Simple lang.
'Pag sinagot ko kasi 'yung isa,
Paniguradong masasaktan 'yung lima.

'Yung lima, na hindi ko naman type, pero pinahahalagahan ko.
Iniisip niyong ang ganda ko? Pwes 'yun kasi talaga ako.

Pero ito seryoso na talaga...

Bakit nga ba ako single?

Unang-una, kaya ako single,
dahil mahal ko pa 'yung huli.
Mahal na mahal na umabot sa puntong,
kaya kong magsakripisyong muli.

Kaya kong isakripisyo ang pag-aaral,
At kahit na kaligayahan para sa kaniya.
Pero siya?
Ayun, iniwan ako.
Hindi pa daw kasi siya handang maging ama.

Oo maging ama.
Buntis ako. Siya ang ama.

Matapos ang di-maihalintulad na sarap,
Iniwan niya akong, may gumuguhong hinaharap...

Mahal niya ako at ako lang ang kaniyang pinapangarap.
'Yan ang mga matatamis na salitang parati kong kaharap.
Pero anong nangyari?
Ito. Iniwanan niya lang naman akong may problemang kinakaharap.

Kaya ngayon. Bakit nga ba ako single?

Simple lang naman talaga ang dapat na sagot diyan.
Iniwan kase ako at sinaktan.
Kinuha ang puso ko't dinuraan.
Niyurakan ang pagkatao ko't dinumihan.

Bakit nga ba ako single?

Mahal ko kasi ang aking anak.
Kaya ayoko nang kumuha ng lalaking may sapak...
Ng lalaking iiwan ka pag may topak.
Ng lalaking ang bukambibig ay puro fuck.

Bakit nga ba ako single?

Dahil sa mapanghusgang mata ng mga tao,
Natuto akong ipakitang kaya ko 'to,
Na kaya kong palakihin ang anak ko,
Na hindi ko kailangan ng tulong, kahit na kaninong lalaking, makilala ko.

Bakit nga ba ako single?

Gusto ko kasi magkaroon ng magandang kinabukasan ang anak ko.
At hindi ko 'yun magagawa, kung may lalaki akong paglalaanan pa ng sarili ko.

Bakit nga ba ako single?

Limang salita, labing-siyam na letra, binubuo ang isang tanong.

Bakit nga ba ako single?

Ikaw....

Single ka ba?

Bakit ka single?.

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

LINK: https://m.facebook.com/groups/746754412152151?view=permalink&id=891149371045987

My Valentine's Color (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon