15

10 3 0
                                    


#WAGreenValentines_Entry
Title: Ayoko Na
Author: cutie_potieeFangirl

cutie_potieeFangirl

《Spoken Poetry》

Ayokong umasa sa titig mo
Ayokong umasa sa mga sinasabi nila
Ayokong mahulog sayo
Ayokong mahulog sa ngiti mo
Ayokong mahulog sa tingin mo
Ayokong mahulog... ayokong mahulog...pero wala na, nahulog na ako.

Wala akong pinanghahawakang salita na mahal mo din ako.
Pero isa lang ang nararamdaman ko
Gusto kita at wala akong pake sa iba
Gusto kita pero hindi mo ako gusto
Gusto kong maniwala sa sinasabi nila pero sabi ng utak ko
Huwag na lang kasi baka masaktan lang ako.

Walang sapat na patunay para ang pagmamahal mo sa'kin ay maging malinaw
Malinaw ma sa akin na malabong magkaroon ng tayo
Dahil meron lang naman, ikaw at ako
Sabi nila merong ikaw at sya
Siguro naman hindi na dapat ako umasa
Pero wala, mahal pa din kita at umaasa pa rin ako sayo sinta.

Gusto kita pero siguro tama na
Tama na kasi masakit na
Masakit isipin na hanggang tingin na lang ako
Hanggang tingin ka na lang din
Pero siguro ganon talaga
Hindi lahat ng gusto mo ay gusto ka
Kaya siguro dapat,
Dapat tigilan ko na ang imahinasyon ko na magugustuhan mo ako.

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

LINK: https://m.facebook.com/groups/746754412152151?view=permalink&id=891782554316002

My Valentine's Color (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon