12

9 3 0
                                    

#WABlackValentines_Entry
Title:PANGAKO
Username: MyQueen0306
TULA

Katagang kahit kailan ma'y hindi ko binitawan.
Mga salitang labis kong isinakatuparan.
'Di ko labis maisip na ang mga katagang iyon ay siya'ng sisira sa akin.
Mga pangako na kahit kailan man ay napako.

Mga pangakong iniingatan ko ay sinayang mo lang.
Mas pinili mong pakinggan ang pahiwatig ng iba,
Subalit ako, ako na iyong minahal kahit kailan man ay 'di mo pinaniwalaan.
Sa halip na ako ang iyong pakinggan, mas pinagdudahan mo.

Kahit kailan man ay hindi pumasok sa isip ko na ika'y lokohin.
Hindi pa ba sapat sayo ang mga pinapakita ko,
Na sobra at labis ang pagmamahal ko sa'yo?
O sadyang ayaw mo na talaga kaya ikaw ang unang sumuko.

Masakit man pakinggan at isipin na sayo na mismo nanggaling na hanggang dito  na lang tayo,
Na kalimutan ko na ang lahat na kung anong meron tayo.

Tandaan mo, minsan lang ako magmahal ng tapat,
At minsan mo lang din akong sinaktan.
Oo, aaminin ko na may pagkukulang ako,
Pero hindi iyon sapat na dahilan upang ako'y iyong iiwan.

Alam ko na dadating ang araw na makakalimut ang puso kong ito,
Sa mga pait at pighati na pinaranas mo.
At sa araw na 'yan alam ko na magiging masaya na ako.

At sana man lang kahit hindi mo marininig ito mula sa akin,
Mararamdaman mo sana ang sakit na dinaos at dinamdam ng aking damdamin.
At sana man din lang pagsisihan mo na ako'y iyong pinakawalan.

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

LINK: https://m.facebook.com/groups/746754412152151?view=permalink&id=891250221035902

My Valentine's Color (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon