10

10 3 0
                                    

#WABlackValentines_Entry
Title: Hurt...
Author: cutie_potieeFangirl

cutie_potieeFangirl

《Spoken Poetry》

Hi! Gusto ko lang sanang mapansin mo ung efforts ko Para mabalik tayo sa dati
Sana mabalik naten ung dating tayo
Kamusta ka na?
May bago ka na ba?
Naalala ko dati, close pa tayo Gusto pa naten ung isat isa Pero, bigla ka na lang nang iwan Umalis ka ng walang paalam Nagbago ka ng tuluyan
Nawala yung ating asaran at kwentuhan
Nawala lahat ng nagustuhan ko sayo,
Pero kahit nawala lahat ng 'yon, Ikaw at ikaw parin ang aking gusto
Mahal kita noon hanggang ngayon
Mahal mo ko noon pero di na  ngayon
Nagbago ka,sobrang nagbago ka Dati ikaw ang unang nagchachat saten, anyare ngayon?
Walang pansinan hanggat di ako nagchachat
Alam mo, mahal kita kahit sobrang sakit na
Isinugal ko lahat ng aking mga baraha,
Umaasang tataya ka rin
Pero nagkamali ako
Tinaya ko ang lahat mahalin mo lang ako, Mahalin mo lang ulit ako
Pero wala, di ko alam kung mahal mo pa ako or nagbago ka na talaga
Gusto ko mang balikan lahat ng nakaraan,
Alam kong babalik din ako sa kasalukuyan,
Kasalukuyang bumabalot sa akin, Kasalukuyang di ko magawang tanggapin,
Dahil sa kasalukuyan, alam kong hindi ka na sa akin.

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

LINK: https://m.facebook.com/groups/746754412152151?view=permalink&id=891721867655404

My Valentine's Color (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon